Saturday, November 27, 2010

Very Pinoy, Sinigang na Baboy

                                       Sabaw pa lang e, ulam na. Tara, kain tayo!

   

Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa napakasarap na potaheng ito? Puwes, hindi ako dahil ito ang aking paboritong pagkain kahit noong bata pa ako. Kahit noon pa, madalas ko itong ipaluto sa aming bahay na para bang kapag hindi ko ito natikman man lamang sa loob ng isang linggo ay nagwawala ako. Sa katunayan, kahit sa ibang bahay ay nagpaluto na ako nito, sa nanay pa ng blockmate ko. Ganoon ko ito kapaborito na kahit tumanda na ako'y hahanap-hanapin ko pa rin ito. Kayo? Gusto niyo rin ba itong matikman? Heto ang mga sangkap na kakailanganin ng aking paboritong pagkain.




Mga Sangkap:
                                                                                  
2 lbs pork belly (or buto-buto)                                                         
1 bunch spinach (or kang-kong)
3 tbsp fish sauce
1 bunch string beans (sitaw), cut in 2 inch length
2 pieces medium sized tomato, quartered
3 pieces chili (or banana pepper)
1 tbsp cooking oil
2 liters water
1 large onion, sliced
2 pieces taro (gabi), quartered
1 pack sinigang mix (good for 2 liters water)
* pwede mo rin idagdag and okra at eggplant depende sa gusto mo

Ang sour lightness ng sabaw ng Sinigang na Baboy ay perfect match para sa oppressive tropical heat dito sa Pilipinas. At lalong masarap kumain nito sa panahon ng tag-lamig. Ang sinigang na baboy ay isang native na potahe dito sa pilipinas noon pa man at pinagpasa-pasahan ito sa mga nagdaang henerasyon. Sa katunayan, ang sinigang ay hindi lamang pang-baboy. Maaari ring gumamit ng hipon (shrimp) at bangus (milk fish) at wala itong pinagkaiba sa sinigang na baboy dahil masarap din ang mga ito. Sa mga pampaasim naman ng sabaw, hindi lang sinigang powder mix ang pwedeng gamitin. Pwede rin tayong gumamit ng kamias at santol.
Ang Sinigang na Baboy ay hindi lamang masarap kundi ito ay masustansiya rin. Sa nakikita niyong imahe sa itaas, napakarami nitong sangkap na gulay na nakakapagpabuti sa kondisyon ng ating katawan. Sari-saring bitamina ang pwede nating makuha sa pagkain na ito na nagpapabuti sa paggana ng mga human organs partikular na sa ating digestive system.
Bicolano ako pero hindi ko mawari kung bakit ako hindi ako nahilig sa mga maaanghang. Sa totoo lang, bihirang-bihira lang ako kumain ng mga maaanghang. Sa maasim ako nahilig na para bang akong isang ilocano at hindi ko namana sa aking tatay ang pagkahilig sa mga maaanghang, kaya madalas napagtatalunan kung ano ang aming kakainin sa mga restawran sa labas, kung maanghang ba o maasim.
Naging paborito ko ang Sinigang na Baboy dahil sa ito ay masarap, masustansya at nakakabusog. Isa ring dahilan ay dahil sa madali lang itong lutuin. Kung kaya't inaanyayahan ko kayong tikman at mamatay sa sarap sa pagkain ng paborito kong pagkain.

-- Aljohn Defeo

18 comments:

  1. Tunay na masarap ang sinigang! ;) -Den

    ReplyDelete
  2. Isa sa mga paborito talaga ng mga pinoy ang sinigang! :> -Fru.

    ReplyDelete
  3. Favorite ko din ito! lalo na luto ng mama ko. :)) -jolie

    ReplyDelete
  4. Gusto ko ng maasim-asim at maanghang-anghang na sinigang ngayon! -Angeline B.

    ReplyDelete
  5. Sobrang sarap nito kapag tag-lamig. Swear :D
    -aljohn

    ReplyDelete
  6. sarap na talagang kahihiligan nating mga pinoy^_^

    -Mj

    ReplyDelete
  7. Miss ko na ang carinderia nila Arny. :( Tita's sinigang was the BEST talaga.

    -Mina

    ReplyDelete
  8. Isa rin ito sa mga paborito ko. Gusto ko tuloy ipaluto bukas ang Sinigang. Yum! :)

    ReplyDelete
  9. Favorite ko din yan!! :>
    - Kim A. :)

    ReplyDelete
  10. Haha! Matagal-tagal ko na nga din hindi natitikman to e.
    -aljohn

    ReplyDelete
  11. sinigang!!! favorite na favorite ko rin 'to na ulam! :>

    -carlo

    ReplyDelete
  12. Tamang tama wala pa ako ulam hanggang ngayon pahingi naman.

    -Pogii

    ReplyDelete
  13. Ano ba yan Pog, hindi ka ba kumakain? HAHA :))

    ReplyDelete
  14. Favorite mo pala to kaya ito lagi mo kinakae kela Arny dati =)))))) -Margie

    ReplyDelete