Sino nga ba ang hindi pa nakakatikim sa sarap at sustansiya ng adobo? Halos lahat ng Pilipino ay paborito itong ulamin at alam itong lutuin. Adobo ang aking napiling paboritong ulam dahil bukod sa sarap nito ay simple lamang ito gawin. Wala masyadong sangkap ang kailangan. Hindi ito magastos at hindi rin mahirap lutuin. Walang Pilipino ang hindi nakakakilala sa sarap ng adobo, sa totoo nga lang ay maging mga dayuhan ay nagugustuhan ito.
Ang mga sangkap lamang na kailangan sa pagluto ng adobo ay ang baboy na nakahiwa na ng cubes, suka, toyo, asin, sibuyas, bwang, dahon ng laurel, asukal, mantika, at tubig. Ang unang gagawin sa pagluluto ng adobo ay ilagay sa isang kawali ang baboy, 1/3 suka, 3 tbsp. ng toyo, 1 tbsp. ng asin, kalahati ng isang buong sibuyas na hiniwa na, 1clove ng bawang, isang dahon ng laurel, ¼ tbsp ng asukal at ½ cup ng tubig at hayaan lamang ito para mas maging malasa kapag sinimulan na ang susunod na hakbang. Pagkatapos ng 45minutos ay pakuluin ito hanggang sa maging malambot na ang baboy at kapag malambot na ito ay itabi ang sauce. Painitin ang isa pang kawali na may mantika at ilagay ang baboy hangang sa maging “brown” na ito at pagkatapos ay ihalo na ang itinabing sauce at lutuin pa ng ilang minuto at pwede ng ihain.
Hindi ba’t napakadali lang gawin ng adobo? Ito’y masunstasiya pa. Kung pagkain lang ang usapan, siguradong isa ang adobo sa mga unang papasok sa isip ng mga Pilipino. Hindi na kataka-taka kung bakit maraming Pilipino maging mga dayuhan ang nagkakagusto at interesado sa pagluto ng adobo. At sa pagkain nito ay para na rin nating tinangkilik an gating sariling kultura. Tunay ngang kakaiba ang sarap ng adobo.
--Hannah Santos
Nagutom ako lalo nang makita ko to. Hindi pa man din ako naglalunch. Ugh! Sarap! :D
ReplyDelete-aljohn
wow...isa ito sa mga masasarap na filipino food na hindi kailan man pagsasawaan ng mga pilipino \m/ --bongon
ReplyDeleteAdo Bo. - Alex.
ReplyDeletepinoy na pinoy ah!
ReplyDelete-micolo
Nakakagutom a! -Ayi
ReplyDeleteWoo Adobo! -Angeline B.
ReplyDeleteVery Pinoy! :)
ReplyDeletecpa-chicken pork adobo or just pork adobo with plain hot rice wrapped in banana leaf. Yum! try mo.
ReplyDelete