Saturday, November 27, 2010

pasta-riffic!! :)


Pasta.  Isang pagkain banyaga ngunit sikat sa ating bansa.  Wala yatang okasyon sa ating bansa na hindi kasama ang anu mang uri ng pasta sa mga putaheng ihahanda.  Madalas na ihanda sa mga hapag kainag Pilipino ang “Filipino version” ang spaghetti, kung saan ito ay pinatamis upang magustuhan ng karamihan.  Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit maraming taong tulad ko ang nahihilig sa pasta.

Ang paborito kong uri ng pasta ay yung Fetuccine Alfredo.  Ito ay tulad rin ng karaniwang spaghetti ngunit imbes na pula ay puti ang kulay ng sauce nito.  Ito ay dahil sa gatas at all-purpose cream ang ginamit sa paggawa ng nasabing sauce.  Halintulad rin sa ordinaryong spaghetti na may halong giniling na karne at hotdog, ang pastang ito ay madalas haluan ng tuna, bacon at mushroom na mga paborito ko ring pagkain.  Ayon sa aking naaalala, una akong naka-tikim nito nang subukang magluto nito ang aking tita.  Sa unang pagkain ko pa lamang nito ay nagustuhan ko na agad ito.  Ang amoy pa lamng nito ay nakaka-enganyo na, lalo pa kung hahaluan ng kaunting keso at basil bago kainin.  Di lamang masarap, ang putahe ring ito ay masustansya.  Dahil sa gatas at cream nito ay maaari itong makatulong sa paghahatid ng calcium sa katawan.  Ang mga iba pang sahog nito tulad ng tuna ay isa sa mga pinaka-masustansyang uri ng isda.  Ang uri naman ng pasta na ginamit dito ay di hamak na mas malapad kaysa sa ordiaryong pasta.  Dahil dito, ang putaheng ito ay medaling maka-busog kahit hindi ganoon karami ang kainin mo.  Dahil sa pagkahilig ko sa pastang ito ay isa ito sa mga una kong pinag-aralang lutuin.  Sa aking pagkakatanda ay una ko itong sinubukang lutuin noong ako ay 12 taon pa lamang.  Dahil sa maraming beses ko ng pagluto ng pagkaing ito ay unti-unti kong nahuli ang tamang mga halo upang mapasarap ito.  Dahil din doon ay madalas na itong inihahanda sa aming hapag kainan tuwing may mga okasyaon o di kaya naman ay kapag naisipan lang. 

Napag-uusapan na rin lang din naman ang pasta ay ibabahagi ko na dina ng isa pang uri ng pasta na kamakailang ko lamang natikman ngunit talagang nagustuhan ko ito at madalas kong hinahanap-hanap.  Ito ay ang Pesto Chicken Penne ng Pizza Hut.  Ito naman ay uri ng pastang olive oil at pesto lamang ang halo ng sauce.  Kahit kakaunti ang sahog nito ay talaga naming napaka-malasa nito at tamang tama ang pagkakaluto.  Ang pasta nito ay hindi masyadong malambot ngunit hingi rin naman matigas.  Maging ang manok na sahog nito ay malabot at madaling nguyain.  Dahil sa olive oil at pesto sauce lamang ang halo nito, ito ay talaga namang masustansya.  Samahan pa ng mainit at malutong na garlic bread ay talaga namang ikakasisiya ang pagkain nito.  isa nanaman itong pagkaing nais kong pag-aralang lutuin ng sa gayon ay may bago nanaman akong maidagdag sa aking lisatahan ng mga pagkaing kaya kong gawin.

-Conie Mae Valdez

6 comments:

  1. ANG GALING MO!!! ANG SARAP SARAP NITO SIGURADO AKO!!! PWEDE MAGPAPICTURE!?

    ReplyDelete
  2. wow. ang sarap! :) favorite mo to? sarap :)

    ReplyDelete
  3. Ikaw na marunong magluto. Haha. Galing! :)

    ReplyDelete
  4. Gusto ko niyan. Tas may garlic bread. YUM YUM.:>

    -Alex

    ReplyDelete
  5. At dahil alam mo kung pano to lutuin Conie, dadalhan mo kami ng ganito minsan. :D Sarap!
    -aljohn

    ReplyDelete