Saturday, November 27, 2010

California Maki!


Nang una akong kumain sa isang Japanese restaurant dito sa Pilipinas ay nakuha na agad ang aking atensyon sa menu ng iba’t-ibang klase ng sushi roll. Madaming klase ng sushi ang nakasulat doon at may mga litrato pa na siguradong mapapasabik kang tikman isa-isa ang lahat ng iyon. Ngunit, sa lahat ng natikman ko ay ang California Maki ang pinakamasarap at malinamnam na sushi.

Ang California Maki ay unang nakilala at naging popular noong 1980s. Madami itong mga kasangkapan na masustansya at tamang-tama lang sa mga panlasa natin. Ang mga kasangkapan nito ay cucumber, crab stick, mayonnaise, hinog na mangga, toasted sesame seeds o tobiko, kanin at ang nori o ang tinatawag na seaweed. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbalot ng mga kasangkapan; nakahilera ang mga kasangkapan sa loob at ang nasa labas naman ay ang kanin.

Ito ay isa sa paborito naming kainin ng aking matalik na kaibigan at tila hindi kami nagsasawa kainin ito tuwing lalabas kami. Palagi naming hinahanap hanap at gustong kainin sa tuwing maiisip namin ito o kaya kapag makakita kami ng larawan sa internet. Kinakain namin ito ng isahan dahil kapag kinagat mo lang ito ay maaaring masira ang sushi at hindi mo malalasap ang sarap na laman nito. Kapag nasubo mo na ito ay malalasahan mo agad ang mga kasangkapan na hindi lang masarap kundi mabuti pa sa ating katawan. Sa pagkain mo nito ay malalasap mo rin ang pagkalat sa loob ng iyong bibig ng mayonnaise na lalong magpapalinamnam sa bawat pagkagat ninyo. J

Mabibili natin ito sa iba’t-ibang Japanese restaurants katulad ng Teriyaki boy, Yakimix, at iba pa ngunit para sa akin ay sa Kamirori ang may pinakamasarap na California Maki. Sulit ang presyo at tiyak na mageenjoy ang pagkain niyo doon at siguradong babalik at babalik ka ulit pagtapos mo itong matikman.

11 comments:

  1. Ito din favorite ko sa mga japanese resto! - jolie

    ReplyDelete
  2. Mukha ngang masarap. Makabili nga nito. :)

    ReplyDelete
  3. wow! picture plang, nakakatakam na! sarap! :>

    -carlo

    ReplyDelete
  4. Tamang tama hindi pa ako naghahapunan, penge!

    -Pogii

    ReplyDelete
  5. Parang nalibot mo na pala ang mundo sa mga blogs natin :)))-fru

    ReplyDelete
  6. anu ba yan gusto ko rin neto. diba sinabihan kita na gusto kong kumain ng california maki!!!!
    -micolo

    ReplyDelete
  7. Gusto ko tuloy niyan ngayon! :((( - Margie

    ReplyDelete
  8. Gusto ko niyan! Tas may mayo. YUMMMMY!!!!!!!!!!
    - alex

    ReplyDelete
  9. Kain tayo ng California Maki! :>

    -Mina

    ReplyDelete
  10. Ganda ng pagkakagawa sa California Maki. Talagang pinagisipan. Masarap pa! :) -Gabs

    ReplyDelete