Bata man o matanda, lahat ay may kakaibang hilig sa matatamis na pagkain. Pagkat maraming diabetic sa ating bansa, hindi pa rin maiiwasan ang pagkain ng mga doughnut o donut dahil nagging bahagi na ito ng ating buhay. Maraming at iba’t iba ang mga uri ng doughnut sa iba’t ibang bansa. Dito sa bansa, may ilang mga pook pa rin ang naglalako ng doughnut sa mga bahayan. Ang mga kilalang doughnut sa bansa na ibinebenta sa merkado ay may mga uri gaya ng mga ring doughnut, doughnut holes, filled doughnut, at doughnut sticks. Naaalala ko tuloy noong ako ay bata pa ay madalas kaming pinapaslubungan ng aming mga magulang ng doughnut. Ang paborito kong mga doughnut ay ang mga nabibili sa Krispy Kreme, pagkat may pagkamahalan ang halaga, hindi ko matiis ang bumili lalo na kung mayroon akong pera. Talaga namang nanlalaway ako sa tuwing nakikita ko sa isang billboard ang mga doughnut ng KK. At kung minsan pa ay naamoy ko pa ito sa tuwing nadadaan ako sa mismong tindahan ng KK sa SM North Edsa. Madalas akong bumibili ng doughnut sa KK at sinasamahan ko ito ng kanilang iced coffee.
Masarap nga ang doughnut, pero paano nga ba ito ginagawa? Sa aking pagkakaalala mula sa aming lakbay-aral noong ako ay nasa elementary pa, ang mga doughnut ngayon ay hindi na masyadong ginagamitan ng manpower pagkat mga makina na ang gumagawa nito para nga naman sa uniformity ng mga finished products. Sa paggawa ng masarap na pangmeryendang ito, una hakbang ang paghahalo-halo ng mga pangunahing sangkap tulad ng itlog, baking powder, harina, at asukal. Pinaghahalo ito hanggang makabuo ng dough. Matapos makabuo ng dough ay ihuhugis na ito sa para tamang sukat. Sunod ay paalsahin ito sa isang maiinit na kahon, ang prosesong ito ay tinatawag na proofing. Matapos ang ilang minuto ay sisimulan na itong ipirito hanggang mag-golden brown. At huli, ang paglalagay ng mga palaman at mga disenyo gamit ang icing, glaze, sprinkles, mallows, powdered sugar, jelly, spices, kendi, mani at ilang mga prutas.
Talaga namang masarap ang doughnut at may hatid itong mga susutansiya gaya ng carbohydrates at fats para sa enerhiya, fibre na tumutulong sa digestion, calcium na pampatibay ng buto at iron na pampalakas resistensiya. Ngunit huwag lang sana nating kalilimutan na ang sobrang doughnut ay hindi lang nakakataba ngunit nakakasama rin sa ating kalusugan. Kaya kung Krispy Kreme, Go Nuts, Dunkin’, Mister, Country Style o Happy-Haus pa yan, basta DOUGHNUT, walang hindi masarap :).
Jose Mari O. Castro
UST – CTHM – 1H5
Ang galing ng pagkakagawa, naenganyo akong kumain ng Doughnut!
ReplyDeleteNako ang sarap niyaaaaan! :)
ReplyDelete-Nix
Pang Christmas ah. Bongga! :D
ReplyDeletesarap sarap~!!! :3
ReplyDelete-mccann
Yummeehhhh XD
ReplyDelete-Ayi
Donot buy! haha joke masarap ang krispy creme! :) -marvin
ReplyDeleteSarap! :-bd Hinay-hinay lang Jmoc ha! -Angeline B.
ReplyDeleteTamang Tama for the holiday season.. :D
ReplyDelete- Kim A.
masarap pang meryenda^_^
ReplyDelete-Mj
wow!sarap nman n2!!!...hahaha:)
ReplyDelete