Sa tuwing naririnig ko ang salitang “tiramisu,” dalawang bagay lang ang naaalala ko: ang advertisement ng M.Y. San Grahams kung saan ginamit nila ang salitang ito, at ang pagkaing kanilang ineendorso. Nabaon man sa limot ang advertisement na ito, tunay na tumataktak ito sa akin. Bago ako nagsimulang gawin ang blog na ‘to, tumingin muna ako sa internet ng mga karagdagang larawan. Napag-alaman kong hindi pala isang Japanese dessert ang “tiramisu,” (na taliwas sa naging konsepto ng commercial na tinutukoy ko) sa halip, ito ay isang pagkaing Italyano. Kayo ba, ano ang naaalala niyo tuwing naririnig o nababasa niyo ang salitang ito? Isang matamis na pagkain? Isang mouth-watering dessert? Isang pagkaing nakakapagpalubag-loob? O katulad ng iba pang mga dessert, nakakataba?

Isa sa mga pinakamasarap na “grahams” o "crema de fruta" na natikman ko ay iyong gawa ng aking pinakamatalik na kaibigan. Itago na lamang natin siya sa pangalang Carmela Beatrice Alora. Espesyal ang pagkakagawa nito dahil sa dagdag na sangkap ng pagmamahal. (Naks!) Ang sinumang nakatikim ng grahams niya ay parang isinumpa na hanap-hanapin ang nasabing dessert. Ito ay katamtamang tamis at lasa. Hindi gaanong sasakit ang lalamunan ng sinumang mangahas na tikman ito. Naalala ko noong huling Christmas party namin ay nagkaubusan ng grahams dahil binabalik-balikan ito ng aking mga kaklase. Ganyan kasarap ang refrigerated cake na ‘to!
Ang Pasko ay papalapit na. Gamitin natin ang simpleng dessert na ‘to upang maiparamdam ang tunay na diwa ng Pasko sa ating mga mahal sa buhay—ang pamamahal. Iparamdam din natin sa kanilang may mga taong nakaaalala pa rin sila sa likod ng nakakapagod at mahahabang oras na iginugugol natin sa mga trabaho o pag-aaral natin. Maligayang Pasko! ;)
--Steffy Villalon, 1H5
Sarap naman niyan! :)
ReplyDelete-Nix
Mahusay! Nawa'y mahanap mo ang tamang timpla ng Tiramisu na iyong hinahanap ngayong Pasko.
ReplyDeletekahapon pa ko nag cecrave dito!
ReplyDelete-micolo
Aww. I'm craving for this one! :) Yummy. :)) Nice blog!
ReplyDeleteONE WORD. CRAVE. -Den
ReplyDeletepenge ako. ng brownies. :D
ReplyDeleteYummy! Naaalala ko din yung commercial! Haha! :) -Angeline B.
ReplyDeletesarap lalo na pag creamy!
ReplyDelete-jmoc
wow tira mishu! :) -marvin
ReplyDeletegawa tayo niyan sa christmas! :)) -fru
ReplyDeleteSteffy, gawan mo naman kami neto bago mag-christmas. :D
ReplyDeleteSarap sarap nomon. :>
ReplyDelete- Kim A.
niceone^_^
ReplyDeleteNakakamiss naman ang Christmas party times o kaya naman ang mga food events ng 4S kung saan mabentang mabenta ang grahams ni Alora. :| Hahaha. At sana pag natuto ka na ng ganito, igawa mo naman ako. Yeheeey! :))
ReplyDeleteSARAP~!!! <3
ReplyDelete-mccann
Delicioso! :)))
ReplyDelete-carlo
hihi. :)) kinilig naman ako. ano beh?? :P
ReplyDeletenakakatakam yung tiramisu, pag-aaralan ko na din yun. promise. :))