Friday, November 26, 2010

Kulinari Blog: Ang Kaldereta ni Daddy Pidong

Kulinari Blog: Ang Kaldereta ni Daddy Pidong.: "Litrato hango sa: Google."


Ang kaldereta ay kinokonsiderang pang-okasyon na ulam. Sa katunayan kokonti lanmang ang nakakapagluto nito hindi dahil sa mahirap itong gawin kungdi sa mahal ng mga rekado. Madalas itong natitilkman sa mga malalaking handaan katulad ng binyagan, kasalan, piyesta, pasko at bagong taon. Ang nakakapagtaka madami na rin akong natikman na kaldereta simula pa nung ako ay bata ngunit iisa lamang ang masasabi kong kakaiba o espesyal na kaldereta para sa akin.

Maaring ang larawang ito ay halos kasing tulad ng ibang mga kaldereta  ngunit hindi pa rin ssiya maihahambing sa gawa ng aking Lolo, hindi dahil sa itsura kungdi sa kakaibang lasa ng pagkakaluto ng lolo ko. Parating sinasabi sa kin ng Lolo ko na "madali lang yan"pero ang ipinagtataka ko ay bakit sobrang sarap  lalo na ang sabaw na napakalasa na minsan nasasabi ko kung madali lang namang gawin bakit di ko magawa  o maluto nung minsan akong mangahas itong gawin. Kahit hangang ngayon ay isa pa din itong misteryo para sa akin  lalo na sa aking Mama o Papa kahit na paulit ulit kong pinapanuod ay di ko pa din makuha ang sikreto. Sa tagal ng panahon na inaalam ko ang sikreto ay nagsawa na din ako sabi ko "sige na nga wag ko ng alamin! basta masarap!". Ang kaldereta ni Daddy (yan ang tawag ko sa Lolo ko) ay malasa, masabaw, perpektong pagkakaluto sa gulay at ang sobang lambot na karne sa sobrang lambot ay natutunaw na ito sa labi mo. Wala ka ng hahanapin pa sa sarap.

Siguro ay si Daddy lang ang nakakagawa ng ganito kaespesyal na Kaldereta kahit sabihing regular  lang naman ang pagluluto nito kasi nakatikim na ako ng iba't ibang klase ng pagkakaluto nito pero hindi siya malasa hindi kulay pula ang sarsa, hindi malambot ang karne kahit hindi pinressure cooker at kahit sabaw lang ulam na. Maaring sabihing may pagka "bias " ako kasi Daddy ko siya pero hindi lang naman ako ang nakatikim na ng espesyal niyang kaldereta ang mga tita ko sa side ng Papa ko, mga classmates ko na first time bumisita at kahit mga dating estudyante ng Mama ko ng minsan dumalaw sa amin. Siguro ito ang nagbukas ng aking isipang mag-aral at matutong magluto di ba kung di mo malaman ang sikreto alamin mo...malay mo makuha mo rin pagdating ng panahon! 

By: Marvin Rodriguez

13 comments:

  1. mukhang masarap~ :)) dalan mo naman kaming lahat next time! :))

    --mccann

    ReplyDelete
  2. masarap sa kaldereta, ung spicy.

    -jmoc

    ReplyDelete
  3. Sumasang-ayon ako kay Jmoc. :) Mahilig kasi ako sa maanghang. Gayunpaman, mukha siyang masarap. Galing! :D

    ReplyDelete
  4. onga masarap pag medyo maanghang.
    -micolo

    ReplyDelete
  5. masarap nga yan :)

    - justin babina

    ReplyDelete
  6. isa yan sa pinakamasarap na lutong pinoy:))
    -erica dellosa

    ReplyDelete
  7. Galing naman ng Daddy Lolo mo. May sikreto pa ang luto nya :) -Angeline B.

    ReplyDelete
  8. Patikimin mo naman kami niyaaan! :) magdala ka sa school minsan ;) :)) -Fru.

    ReplyDelete
  9. Haha! Penge naman niyan!
    - Kim A.

    ReplyDelete