Friday, November 26, 2010

Crispylicious Fried Chicken........


                              Ang paborito kong pagkaen ay fried chicken ito ay simple lang di tulad sa iba, nung unang matikman ko ito nung bata pa ko alam ko na agad na ito na ang paborito ko, Naaalala ko pa nung ako ay bata  na lagi akong inuuwian ng aking nanay ng fried chicken tuwing gabi pagkagaling niya sa trabaho kasi pag alam niyang di ko gusto ang ulam namin sa hapunan dadaan muna siya ng mcdo, jollibee o kaya Kfc para bilhan ako ng fried chicken, lagi ko siyang inaantay gabi-gabi para lang dun at dati tuwing linggo pagkatapos namin magsimba lagi kong inaaya yung mga magulang ko na kumaen kame at ang mga dalawa kong kapatid sa mcdo o kaya jollibee para lang makakaen ng Fried chicken.

Kahit ang "Homemade" na Fried chicken ay gusto ko din, nuong bata pa ko pag ayaw ko ng ulam namin at hindi nila ako mabilhan sa mcdo ,kfc or jollibee, nilulutuan nalang ako ng nanay ko o kaya ang lola ko ng fried chicken para makakaen ako, hanggang sa pagtanda ko ito parin ang aking paborito nakakakaen ako ng marame kapag ito ang aking ulam. Laging sinasabe ng nanay ko "puro nalangmanok ulam mo baka tubuaan ka na ng pak pak niyan" natatawa ako lagi pag sinasabi niya saken to.

Kahit sa eskwelahan gusto ko ito ang akin baon at kung hindi naman bumibili nalang ako sa canteen ng fried chicken, buti mayroong mcdonalds at KFC sa loob ng UST at ito pa ay malapet lang sa albertus magnus building, kahit mahaba ang pili ok lang saken basta makakaan lang ako ng fried chicken ok lang alam ko naman na magiging sulit din ang aking paghihntay sa mahabang pila at mawalala ang stress ko dulot ng maraming gawin sa eskwela pag nakakakain ako nito at nawawala din ang problema ko panandalian. 

Sabi nila masama daw ito pag puro nalang friend chicken ang kinakaen ko magdudulot daw ito ng sakit sa puso pero sabi ok lang kasi nabubusog naman ako dito at hindi ko naman ito aaraw-arawin ok na sakin ang 4 times a week :)

-Justin Babina




15 comments:

  1. Ay baka lumipad ka na niyan. Hahaha! Yum! Crispy! :D

    -Nix

    ReplyDelete
  2. Yung napakalutong na balat ng chickenjoy sa jollibee, at yung ibang klaseng gravy ng kfc pati yung manok nila, woooo pakasarap niyan!

    -Pogii Esplana

    ReplyDelete
  3. CHICKEN CHICKEN CHICKEN CHICKEN.

    - :)

    ReplyDelete
  4. lilipad na ang lahat sa sobrang hilig sa fried chicken, KFC & gravy, w/ mashed potato and fries!

    -jmoc

    ReplyDelete
  5. Wow! Di mo naman masyadong paborito ang chicken ha? :))

    ReplyDelete
  6. onga ang sarap nung chicken sa jollibee ang lutong!
    -micolo

    ReplyDelete
  7. CRISPY JUICYLICIOUS! haha :) -marvin

    ReplyDelete
  8. Nice! Chicken ng Jollibee ang pinakamasarap! :-bd -Angeline B.

    ReplyDelete
  9. Walang taong hindi kumakain nito. :D CHOOKS TO GO!

    ReplyDelete
  10. chicken finger lickin good^_^

    -Mj

    ReplyDelete
  11. nakakapagpaalala ito ng pagkabata ko :> after mass, kain sa jollibee :))

    ReplyDelete