Sunday, November 28, 2010

Buko Pandan, Crema Espesyal

Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo pa natiing nararamdaman ang simoy ng Pasko.  Bawat Pasko ay tiyak na kaabang-abang para sa akin, hindi lamang dahil sa pagtitipon-tipon naming magpapamilya at sa mga regalong tinatanggap, ngunit dahil na rin sa mga masasarap at mga malinamnam na pagkain.  Lalung-lalo na ang aking paboritong pagkaing buko pandan.  Totoong inaabangan ko ang pagdating ng Pasko sapagkat sa araw lamang na ito ako nakakakain ng aking paboritong pagkain.  Nakakalungkot na minsan lamang ako nakakakain nito.  Ngunit sa mga minsang iyon ng aking pagsubo ay tiyak na kapanapanabik dahil sa bawat subo ay isang subo ng kaligayahan, pagmamahal at pagkalimot ng mapapait na karanasang napapawi ng tamis ng buko pandan.
Sa mga sangkap nitong all purpose cream, condensada, gulaman, sago at buko, nagiging matamis ang pagdiwang ko sa pasko.  Ang bawat taong makakakain nito ay makakakuha ng nutrisyong di mapapantayan ng iba.  Nagbibigay ito ng protein na nakakatulong sa pagkumpuni ng mga nasirang tissue ng ating katawan, carbohydrates at good fat na magbibigay ng karagdagang lakas.  Ang buko pandan ay mabibili sa maraming restaurants at kainan ngunit mas masarap pa rin at walang kapantay ang lasa nito kung ito ay home-made lamang.
Ngayon, maraming iba’t ibang klaseng pagkain na ang nagagawa.  Kahit gaano pa kasarap ang mga ito, wala pa ring tatalo sa buko pandan ko.

By: Gail Omes




14 comments:

  1. Fave ko rin buka pandan~!!! :P

    -mccann

    ReplyDelete
  2. wow..gus2 ko 2ng buko pandan...hahaha...
    karla

    ReplyDelete
  3. nakakatakam naman itong buko pandan mo..
    -alyana

    ReplyDelete
  4. favorite ko ito..and hindi rin masasabi na pasko kung wala filipino food on you table..at isa dun ang buko pandan!!

    ReplyDelete
  5. pasko na may buko pandan ay napakaganda! nakakatakam naman~

    ReplyDelete
  6. ay sarap sarap naman! :))) matakaw ako dito! :P

    ReplyDelete
  7. yah!buko pandan is one of the best dessert ever!so refreshing.luv it swettie!

    ReplyDelete
  8. May ganian kme ngaun sa bahay.:> Hindi naman ako makakaen.:( -Alex

    ReplyDelete
  9. Favorite ko to, kapag shake. HAHA :))
    -aljohn

    ReplyDelete
  10. Yummy! Penge Gail! :) -Angeline B.

    ReplyDelete