Wednesday, November 24, 2010

Lasapin ang sarap ng Bibimbap. ♥

Di maikakalilang naging mabilis rin ang pagkalat ng "Korean Fever" di lamang dahil maraming Koreano ang dumagsa dito sa Pilipinas para magliwaliw at mag aral kundi na rin mag-invest o magtayo ng negosyo.

haluin mabuti upang malasap ang sarap ng bibimbap. ♥
At isa sa mga patok na negosyong ito ay ang mga Korean Restaurants. At isa sa mga natikman ko ay ang "Bibimbap". Ang Bibimbap isang sikat na koreanong putahe na ang ibig sabihin ay mixed rice o pinaghalong kanin at sahog. Ito ay inihahanda sa isang bowl na may sahog na namul o ginisang mga gulay na gawa sa cucumber, zucchini, daikon, mushrooms, doraji (bellflower root), gim, spinach, soybean sprouts o toge, tokwa at gochujang o chili pepper paste na pampaanghang. Maidaragdag din dito ang sariwa o piniritong itlog at hibla ng mga karne upang pampadagdag lasa. at dahil sa mga sahog nito, nagkakaruon tayo ng pagkakataong kumain ng mga gulay na maaari ay bihira lamang nakakain ng marami sa atin.
Tulad ng ating natural na kaalaman sa lutong koreano, ito ay madalas maanghang. Ngunit ang anghang naman nito ay tama lamang na talaga namang aking nagustuhan. Malalasahan mo ang iba't ibang variations ng mga gulay pati na rin ang distinct flavor ng mga karne.

Pakiramdam ko ay parang nasa Korea na rin ako kapag ako ay kumakain ng Bibimbap. :)



larawan galing kay : masak-masak.blogspot.com


Blog Post ni Angelyn Cruz ng 1H5.

7 comments:

  1. Saan ba iyan? makapunta nga! :)

    -Nix

    ReplyDelete
  2. oh~ kimbap pa lang natitikman ko~ gusto ko rin tikman yang bibimbap~! :D :)) :P

    --mccann

    ReplyDelete
  3. Mukhang masarap ahh. Masustansya ito dahil maraming gulay. :)

    ReplyDelete
  4. Napakasustansya nito ah! Puro gulay! -Angeline B.

    ReplyDelete
  5. sa picture pa lang, natatakam na ako :>

    -carlo

    ReplyDelete