Thursday, November 25, 2010

Ang Baked Mac ni Lola Miling; Sarap sa Pagdaan ng Panahon


Litrato hango sa: Google.

Bago ko ibahagi sa’yo ang kwento ng putaheng ito, ipapakilala ko muna sa’yo si Lola Miling. Hindi talaga siya ang lola ko (na siya ang nanay ng nanay ko, ang ibig kong sabihin). Auntie siya ng aking nanay, at matalik niyang kaibigan ang diretsong lola ko. Palagi kaming nagtitipon-tipon sa bahay nila paminsan-minsan para lang mag-usap usap, at syempre, kumain. Paborito kong lola si Lola Miling dahil bukod sa ang bait-bait niya, at ang laki-laki pa ng binibigay na Aguinaldo sa pasko, ay napakasarap talaga niya magluto. Marami akong gusto sa mga niluluto niya, gaya ng kanyang embutido na ginagamitan niya talaga ng isang buong bloke ng Quickmelt na keso. Pero wala talagang papantay sa kanyang espesyal na baked mac.

Bakit ba pinupuri ko ng lubusan itong baked mac na ito? Noong bata ako, di ko naman naisip kung paano ito ginagawa, basta kain lang ako ng kain dahil takam na takam ako. Pero ngayong mas matanda na ko, mas nabibigyan ko ng halaga ko ang lasa ng putaheng ito.

Palagi niya itong ihahanda sa kanyang mga bisita na kakalabas pa lang ng oven. Amoy pa lang ay takam na takam ka na! Pagtusok mo ng tinidor ay ramdam mo na ang lambot at ang kinis ng pagtakbo nito sa pasta. Umaapaw ang keso sa bawat paghati sa ibabaw nito. At pagkagat mo, ubod ng sarap! Ang pinaka sauce nito ay creamy dahil sa nilalagay niya na keso at cream rito. Di ko pa rin alam hanggang ngayon ay tatak ng ginagamit niyang cream dahil mahilig siya sa imported, pero asahan mo na ang keso ay palaging Quickmelt. Di siya gumagamit ng iba pa, kung galing man yan sa ibang bansa o kung binili lang sa pamilihan. Konti lang din ang nilalagay niya na parang karne sa baked mac niya; tuna flakes, button mushrooms at Vienna sausages lamang. Di ito nadadagdagan o nababawasan sa bawat paggawa niya ng putaheng ito. Kahit na simple lamang ang mga nilalagay niya na laman at konting sangkap lang ang kailangan para gawin ang sauce nito ay talagang iba ang dating.

Kahit na napakarami ko nang natikman na iba’t-ibang uri ng luto ng baked mac ay wala pa ring papantay sa gawa ng aking lola, kahit man yung mga putahe na mabibili sa mga four at five star restaurants. Simple lamang ang mga ginagamit na sangkap, lutong bahay nga lang ito, ngunit para sa akin angat pa rin ito sa lahat. Ito ay isang putahe na binibigyan niya talaga ng kanyang oras at tutok na pansin para gawin para sa kanyang mga minamahal na pamilya at mga kaibigan. Sa medaling salita ay may secret ingredient siya para dito, at ito ay ang pagmamahal. J

- Romina Louise C. Cunanan

13 comments:

  1. Baked maaaaac! Magdala ka next time! :D - Den

    ReplyDelete
  2. Shaaaareeee ng baked mac :D Hahaha! - Margie

    ReplyDelete
  3. wow...picture palang mukha ng masarap pano pa kaya kung kinaen??..--bongon

    ReplyDelete
  4. Oops nadelete ko yung comment ko. Binabasa ko pa lang yung description, ang sarap na! Pwedeng pahingi? :)

    ReplyDelete
  5. Tagal ko nang di nakakain nito ah. Pahingi naman niyan. Mukang special! :D -Gabs

    ReplyDelete
  6. sarap naman yan~!!! :D pahingi~ :3

    -pat mccann

    ReplyDelete
  7. pakita mo 'to kay lola miling, di lang baked mac iluluto non sa yo, pati yung classic nyang lengua estofada at embutido! - m seng

    ReplyDelete
  8. baked mac with sobrang kapal na CHEESE!

    -jmoc

    ReplyDelete
  9. WOW BAKED MAC!! luto tayo mina!
    -micolo

    ReplyDelete
  10. gusto ko matry yang bakemac na yan:)
    - erica dellosa

    ReplyDelete
  11. Wow! Special na special ang baked mac ni Lola mo! :-bd -Angeline B.

    ReplyDelete