Friday, November 26, 2010

Chili Crabs ng aking Ina!




Tuwing may handaan sa aming tahanan, hindi nawawala ang Chili Crabs. Hindi ko alam kung saan natutunan ng aking ina ang recipe nito. Ito ay may halo-halong lasa (matamis, maasim at maanghang). Gayunpaman, ito ay naging isa sa mga paborito kong ulam dahil na rin siguro mahilig ako sa seafoods at sa pagkaing maanghang. Kaya kapag naamoy ko na ang mantikilya at ang maingay na tunog kapag naggigisa ay nagmamadali na akong bumaba ng aming hagdan dahil alam ko na ang paborito kong Chili Crabs ang niluluto ng aking ina.

Ang “Chili Crabs” ay nagmula sa bansang Singapore. Ito ay nilikha ni Chef Cher Yam Tian at Lim Choon Ngee noong 1950. Simula ng naimbento nila ito ay nagkaroon ng iba’t-ibang bersyon nito. Hindi naman mahirap hanapin ang mga sangkap nito. Kaya naman ngayon ay tuturuan ko kayo kung paano ito lutuin. Ang mga sangkap ay:

1 kilo alimango (mud crab)
1 thumb size luya, pinong tinadtad
2 medium size sibuyas, tinadtad
1 / 2 ulo ng bawang, pino ang pagkakatadtad
3-5 siling labuyo, tinadtad
3 tasa tomato sauce
2 pakete ng chili paste
3-5 tangkay wansoy, tinadtad
1/2 mantikilya
1 itlog
cornstarch
asukal
tubig




Madali lang itong lutuin. Una, tunawin ang mantikilya sa isang mainit at malaking kaldero. Makaraan ay igisa na ang bawang, sibuyas, luya, at siling labuyo. Pagkatapos ay ilagay na ang alimango. Kapag nag-iba na ng kulay (orange) ang alimango, at saka pa lamang pwedeng ilagay ang tomato sauce, chilli paste, tubig at kaunting asukal. Kapag nahalo na ng mabuti ay maaari ng ilagay ang itlog at cornstarch. Haluin muli ito ng mabuti at pakuluan. Panghuli, ilagay na ang wansoy na magsisilbing disenyo.




Ang ulam na ito ay di lamang masarap, ito ay masustansya pa. Ang alimango ay mayaman sa protina na nagbibigay lakas. Ito ay may mababang calories at fat kaya pwedeng-pwede ito sa mga “health conscious”. Mayroon din itong Omega-3 fatty acids na mabuti para sa puso at nakakapagpababa ng blood pressure. Samantala, ang tomato sauce naman ay mayaman sa Vitamin A (nakakatulong panlaban sa sakit at nakakapagpaganda rin ng balat), Vitamin C (nakakatulong ito upang lumakas ang pangangatawan, maiwasan ang sakit sa puso at pampalinaw rin ng mata) at Lycopene (nakatutulong para maiwasan ang pagkakaroon ng kanser).  Mayroon din itong mababang saturated fat, kolesterol at sodium.

Kapag ito ay inyong natikman, mapapa Oooh lala kayo sa sarap at siguradong mapapadami ang kain niyo ng kanin. Ngunit, magdahan-dahan sa pagkain nito dahil kapag sobra ay masama rin. Siguro ay nagugutom na kayo dahil sa blog post ko. Kaya naman subukan niyo na ito. Madali ng gawin, masarap pa! :) 



Post ni: Ma. Patricia N. Torres

22 comments:

  1. wow~! parang gusto ko na rin magpaluto nito sa nanay ko~! sarap tignan! :)) :P

    -mccann

    ReplyDelete
  2. Huwaw! Thanks for sharing the recipe! Mukha talagang masarap! :D

    -Nix

    ReplyDelete
  3. mukhang masarap ahh :)) magawa nga minsan :D

    ReplyDelete
  4. sarap!lalo na pag mataba ung crabs.

    -jmoc

    ReplyDelete
  5. Magdala ka naman para sa block! HAHA -Den

    ReplyDelete
  6. WOW! Ang sarap naman. Gusto ko tuloy niyang chili crabs. :)) Nakakatakam!

    ReplyDelete
  7. Wow. Looks good! Though I'm not fond of eating chili, Gusto ko toh itryy. :> - Jeli

    ReplyDelete
  8. Wow sarap nga nito ah! Natakam ako! -Angeline B.

    ReplyDelete
  9. kakaiba! ako ay natakam at para bang gusto ko ng kainin ang mga larawan. :DD -JOLIE ANN DE KOK

    ReplyDelete
  10. wow naman! ito ung pagkain na kahit nahihirapan akong kainin, pinipilit ko pa rin :P sarap kasi e! :))

    -carlo

    ReplyDelete
  11. Wooow. mahilig din ako sa crabs! :D :D Ang sarap niyan!

    ReplyDelete
  12. Alam mo ba, never pa ko nakakain ng crabs. As in kahit tikim lang, hindi talaga. :(
    -aljohn

    ReplyDelete
  13. syet!alimango...favorite ko dn to!...hahaha..
    -karla

    ReplyDelete