Saturday, November 27, 2010

Pancit Pampahaba ng Buhay!


PANCIT! Ang pagkain na din a bago sa mga Pilipino. Kung ang Italia eh merong ispaghetti at ang Tsian eh merong wanton noodles, ang Pilipinas naman ay may pinagmamalaki ang PANCIT! Kahit saan lupalop man ng Pilipinas eh makakakita  ka ng panciteria lalo na ang makasalamuha mga taong mahilig sa pancit na tinatawag kong pancit lovers hahah. Marami mapagbibilhan ng pancit at bawat pancit nila ay may iba’t ibang specialties tulad ng pancit ng Jollibee at chowking diba? Narito ang mga sumusunod na recipes para sa pagawa ng masarap na pancit.

Ang napili ko nga pala eh ang pancit palabok…
Pansit Palabok Ingredients:

Palabok Noodles / Sauce
·    1/2 kilo miki noodles
·    1/2 kilo small crabs
·    5 cloves of garlic, minced
·    1 onion, chopped
·    2 tablespoons of atchuete seeds or oil
·    2 tablespoons of patis (fish sauce)
·    4 tablespoons of cornstarch, dissolved in water
·    1 teaspoon of monosodium glutamate (MSG)
·    1 1/2 cups of water

Palabok Toppings
·    Tinapa flakes (smoked fish)
·    Cooked shrimps, shelled
·    Squid adobo, sliced into rings
·    Pork chicharon, grounded
·    Spring onions, chopped
·    Hard boiled eggs, shelled, sliced
·    Fried garlic, minced
·    Fresh calamansi (lemon), sliced

    Ang concepto pancit ay nagmula pa sa mga Chinese dahil sila an gang nagpakilala sa atin ng noodles na siyang gingagamit nila sa kanilang wanton soup. Ang termino naman nito ay nanggaling pa sa termino ng mga Hokien Chinese na “pian i sit” na nangangahulgan ng “conviently cooked fast.” Kaya siguro napamahal ang pancit sa mga Pilipino eh dahil sa mabilis nga itong maluto at wala pang kahirap-hirap. Ipapakulo mo lang ang sotanghon at intayin lumamabot eh   pwede mo nang ihalo sa mga sahog nito. Masarap na masusutansiya pa ang mga sahog nito dahil mayroon silang mga gulay na nakatutulong sa atin katawan laban sa mga sakit. At hindi mapagkakaila na bawat nguya mo sa pancit eh parang lalo kapang naeengganyo sa pagkain nito dahil may kakaibang lasa na sumasabog sa iyong bibig na hidi mo maipaliwanag.

   Ang Pancit palabok natin eh di mapagkakailang pinakamasarap na pancit sa buong mundo o di kaya ang pancit na luto ng pinoy ay sadyang masarap talaga. Kahit saan ka man makakita ng panciteria eh hindi ka manghihinayan na bilhin dahil nga nasa dugo na ng pinoy ang pagkain takam nito sa pancit lalo na kapag linagyan o pinares pa sa isang pandesal.  

  

11 comments:

  1. Magaling! May history pa :)
    Parang naririnig kitang nagsasalita, Glenn! :))))

    -Nix

    ReplyDelete
  2. Hay nako Glenn, kaya pala ang dami dami mong kinakain na pancit kela Arny. :P

    -Mina

    ReplyDelete
  3. ang pancit ay masarap na pangpahaba pa ng buhay:)
    -erica dellosa

    ReplyDelete
  4. haha onga naiimagine ko rin habang sinasabi niya yan
    -micolo

    ReplyDelete
  5. Nice Glenn! Sarap ng palabok ha :) -Angeline B.

    ReplyDelete
  6. like it with plenty of boiled eggs!
    haha. pampahaba ng buhaaaaaaaaaaaaay

    -jmoc

    ReplyDelete
  7. Nice :> :) Masarap din yan :) - Fru.

    ReplyDelete
  8. nakakatakam~! :)) :P gusto ko na rin ng pancit tuloy :D

    -mccann

    ReplyDelete
  9. wow glenn! kaya ka siguro lumulusog ano, dahil sa pancit? :P sarap!!

    -carlo

    ReplyDelete