Friday, November 26, 2010

Sarap ng Bicol para kay Manila Boy!


            Wala ng paligoyligoy pa, tikman ang sarap ng paboritong kong putahe mula pa sa Bicol, ang Laing.

 
            Anu- ano nga ba ang mga sangkap at paano nga ba ginagawa o niluluto ang laing? Ano ba ang lasa nito? Masustansya ba ito? At bakit ko nga ba ito paborito sa pagkadami- daming masasarap na mga pagkain o putahe sa ating bansa at sa buong mundo?

            Ang mga sangkap sa pagluluto ng laing ay ang dahon ng gabi na kasama ang tangkay, laman ng malalaking niyog, mainit na tubig, mantika, napitpit na bawang, natadtad na sibuyas, napitpit na luya, baboy (nahiwa ng maliliit),  "hibe", nababad sa tubig at napatuyo, "green chili pepper", nahihiwa ng maliliit, at alamang.


            Ganito naman ang paraan ng pagluluto ng laing, hugasan at patuyuin ang mga dahon ng gabi. Ihiwalay ang dahon sa tangkay. Balatan ang tangkay at hiwain ng maliliit. Itabi. Dagdagan ng mainit na tubig ang niyog . Pigaiin ang gata nito. Itabi. Sa isang palayok, igisa ang bawang, luya at sibuyas.  Idagdag ang karne ng baboy at lutuin ng mabuti.  Idagdag ang "hibe", "pepper" at alamang kasama na ang tangkay ng gabi.  Igisa ang mga ito ng 5 minuto o hanggang medyo luto na.  Maglagay ng isang kutsara ng nagisang kasangkapan sa bawat gabi at balutin ito ng pabilog at pahaba. Ilipat sa ibang lutuan at ihalo ang gata ng niyog. Lutuin ito hanggang maging mantika ang sabaw at ang gabi ay luto na.


            Ngayong alam niyo na kung papaano lutuin ang laing, oras na upang malaman niyo naman ang lasa. Ang laing ay maaaring maanghang sapagkat ang laing ay galing pang Bicol, at alam naman natin na mahilig sa maanghang ang mga Bicolano. Ngunit huwag kayong mag- alala, sapagkat hindi naman kinakailangan na maanghang ito, pwede rin itong magata na sobrang nagpapalasa rito.


            Mula sa mga kasangkapan ng laing, masasabi nating masustansya ito sapagkat ito’y isang putaheng gulay at alam naman nating lahat kung gaano kasustansya ang mga gulay.


            Alam ko na napakaraming masasarap na pagkain sa ating bansa, o sabihin na nating sa buong mundo, ngunit bakit nga ba ang simpleng putaheng laing ang pinakapaborito ko?


            Unang una sa lahat, sa totoo lang, hindi naman ako masyado kumakain ng mga gulay, hindi ko sila madalas kainin, ngunit ibang klase itong laing na ito. Ito lamang sa lahat ng gulay o mga putahe na magulay ang nagustuhan ko ng sobra. Gustong gusto ko ang lasa niya, yung gata na natitira sa labi mo habang kinakain mo, at may baboy pa na may gulay, kumbaga all in one na. Yung anghang din nito na tamang tama lamang na nahahaluan ng masarap na gata ang siyang kumuha ng puso ko para maging paborito ito.

            Masayang masaya ako sa tuwing kumakain ako nito at hindi lang iyon, tinatanggal pa nito ang stress ko.  

- Pog Esplana

15 comments:

  1. Bicolano ako. Pero hindi ako kumakain niyan.:)))))
    -ALEX ALEX ALEX.

    ReplyDelete
  2. Ay grabe ang sarap, picture pa lang :)

    paborito ko rin ang Laing! ♥

    -Nix

    ReplyDelete
  3. pic pa lang ng laing nagugutom na ko!
    nakakagana kumain kasi maanghang!

    -jmoc

    ReplyDelete
  4. Mahilig din ako sa maanghang. Tiyak magugustuhan ko ito! :)

    ReplyDelete
  5. Maproseso ang paggawa pero worth it pag luto na. :D -Den

    ReplyDelete
  6. uiii! Isa rin yan sa favorites ko! ;) \:D/

    ReplyDelete
  7. POGI TALAGA NG MAY GAWA NITO OH! laing best partners with rice :) -marvin

    ReplyDelete
  8. Favorite ko din to! Yummy! -Angeline B.

    ReplyDelete
  9. Ako din, bicolano. Pero di ko pa to natikman ni minsan. :(
    -aljohn

    ReplyDelete
  10. bilang isang Bicolano.., tunay na masarap nga ito!!! :>

    -carlo

    ReplyDelete
  11. bicolana kasama namin sa bahay at mahilig siyang magluto niyan. Masarap pala talaga yan! :)-Fru

    ReplyDelete