Friday, November 26, 2010

Laging Kare-Kare...pero hindi nakakasawa.



                Tuwing malapit na ang araw ng aking kaarawan, laging tanong sa akin ng aking mga magulang, “Ano gusto mong ulam?” Ang aking laging sagot, “Alam niyo na iyon!” sapagkat tuwing sasapit ang aking kaarawan, ang aking paboritong ipaluto sa aking lola ay ang Kare-Kare. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kare-kare ng lola ko pero hindi nawalan ng pagkakataon na hindi ako mapapaulit sa sarap. Ang laging luto ng aking lola ay ang piling-pili at sariwang  mga sangkap tulad ng karne ng baka, sitaw, pechay, puso ng saging, talong, mani, at ang pampakulay na atsuete. May pagkakataon din na pinapapili ako kung gusto ko raw na gumala at manuod ng sine o magluto na lamang ng kare-kare sa bahay, ngunit ang sagot ko, “Kare-Kare!”Dahil ang mga sangkap nito ay medyo mamahalin sapagkat bande-bandehado ang luto kapag kaarawan ko.

                 
               Naalala ko pa nga noong nakaraang kaarawan ko, sinabi sa akin ng aking tatay na dapat daw ay matutuhunan ko na raw ang pagluto nito para sa susunod ako na raw ang magluluto at hindi na ang lola ko. Ngunit ang sagot ko lagi ay walang makakatalo sa sarap ng luto ng lola ko, pero minsan palusot lamang iyon sapagkat nakakatamad pag-aralan ito sa sobrang tagal lutuin. Ang kaya ko na lamang gawin ay langhapin ang bango ng niluluto habang ito’y patapos na upang aki’y makain. Pero sa kabila nga aking katamaran matutuhan ito, baling araw ay ako naman ang magluluto para sa aking lola at mga kapamilya ng paborito kong kare-kare.

Post by Angeline Bianca Bongon

17 comments:

  1. Naaalala ko nanay ko pag kare-kare ;;> Yum! Lalo na pag may bagoong! Masarap nga iyan! :)

    ReplyDelete
  2. Bianca mukhang masarap :)) favorite ko rin kare-kare :D

    -Margie

    ReplyDelete
  3. haha..ang funny bianca!:D...sabihin mo sa lola mo lutuan nya ako s birthday ko naman!:))-heizel

    ReplyDelete
  4. Sana ay makatakim din ako ng ganito kasarap na kare-kare! :) Share namaaaaan. -Den

    ReplyDelete
  5. Eto dapat ibblog ko eh kaso nauna ka na. Favorite ko din 'to. The best talaga! :D - Gabs

    ReplyDelete
  6. Ooooh! Kare-kare! ♥ The best! :">

    ReplyDelete
  7. favorite ko rin yang kare-kare~!!! <3

    -mccann

    ReplyDelete
  8. sarap ng traditional filipino food!

    -jmoc

    ReplyDelete
  9. Masarap ito lalo na kung may bagoong! :D

    ReplyDelete
  10. isa din to sa favorite ko!!!
    -micolo

    ReplyDelete
  11. Ulam namin nyan ngayon! Hahaha nag-enjoy ako dito ah! Di ka nagbigay nung birthday mo! :) -Gege

    ReplyDelete