Friday, November 26, 2010

PUTO BUMBONG; SIMBOLO NG AKING PAGSALUBONG



 
Tunay na napakasaya ng Pasko sa Pilipinas! Sinong magsasabi na siya ay hindi nasasabik para sa pagdating ng araw na ito? Walang maikukumpara ditong higit pa na kasiyahan. Tayo ay masaya sapagkat ipinanganak na ang ating nag-iisang tagapagligtas, ang Panginoong Hesukristo. Kaya naman, bilang pag-alala at paggunita sa Kanyang kaarawan, tayo ay nagsasaya at naghahanda. Buong Pilipinas ay handa sa araw na ito, lahat ay namimili ng panregalo at panghanda. Ang diwa ng Pasko ay ramdam na ramdam sa pagbibigayan at pagsasalu-salo sa hapag kainan. Ngunit, ano pa nga ba ang kumukumpleto sa aming hapag kainan tuwing Pasko? Bukod sa manamisnamis, nagmamantika at nangungumintab  na hamon, malaki at bilog na bilog na keso de bola, ano pa nga ba? Ito ang mainit at napakalinamnam na Puto Bumbong!

Ano nga ba ang tunay na Puto Bumbong? Ang Puto Bumbong ay gawa sa isang tradisyonal at espesyal na varayti ng glutinous rice na mayroong natatanging kulay ube. Ito ay ilulubog sa tubig na may asin ng isang buong gabi at saka patutuyuin. Kapag tapos na ay ibubuhos na ito sa bamboo tubes na pauusukan sa ilalim at hihintayin na hanggang sa maluto. Kapag luto na ang Puto Bumbong ay ihahain na ito na may mantikilya, asukal at kinudkod na niyog sa ibabaw saka babalutin sa dahon ng saging. Ang aking paboritong Puto Bumbong ay nabibili ko sa labas ng katabi naming subdivision na Brookside Hills tuwing buwan lamang ng Disyembre. Ang aking pagbili ay nagsimula noong ako ay nasa elementary pa lamang ng minsang kami ay mapadaan ng aking tatay doon. Ako ay inalok niyang patikimin nito at paguwi naming ng bahay ay sinubukan ko at saka ko naramdaman ang panunuot ng lasa nito na dahilan ng aking laging paghahangad nito. Ito ay tunay na napakasarap at napakasustansya. Sa katunayan, ang isang Puto Bumbong ay nakapagbibigay ng sapat na carbohydrates sa ating katawan na siyang makatutulong upang mapanatili ang init ng ating katawan na panlaban sa malamig na simoy ng hangin tuwing Disyembre.  

Bukod sa satisfaction na naidudulot ng Puto Bumbong sa aking panlasa tuwing kumakain ako nito, ay mayroon pang mas higit na kasiyahan itong nadudulot sa aking puso. Ito ay ang saya ng pagsasalu-salo naming buong pamilya sa hapagkainan habang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Wala nang ibang makatutumbas sa kasiyahan na naidudulot nito sa akin at aking pamilya.

Ipinost ni: Carlo Ramirez ng 1H5

14 comments:

  1. Ay namimiss ko na yan! Masarap nga. May kakaibang lasa yung puto bumbong at yung kulay niya ay talagang attractive at katakam takam!

    Salamat at magpapasko na! :)

    -Nix

    ReplyDelete
  2. Ang sarap naman niyan carlo :)

    -Justin

    ReplyDelete
  3. sarap sarap :D
    libre mo naman ako niyan~ samahan mo na ng bibingka :))

    -mccann

    ReplyDelete
  4. Bibili ako niyan sa Tuesday!

    -Pogii

    ReplyDelete
  5. masarap with sobrang daming niyog & asukal!
    magpapasko na!!!

    -jmoc

    ReplyDelete
  6. Alam ko kung bat yan gusto mo. MURA.:>

    -hulaan mo.:)))))

    ReplyDelete
  7. Mmmm puto bumbong! Bili tayo sa Tuesday sa may Dapitan. ;) -Den

    ReplyDelete
  8. Ramdam ko na ang Pasko dahil sa post mong ito. Yummy! :D

    ReplyDelete
  9. nakakain na ko niyan!!! sarap!
    -micolo

    ReplyDelete
  10. wow bung bung! sarap nyan! :) -marvin

    ReplyDelete
  11. Miss ko na yan! Paborito ko din yan tuwing Pasko! -Angeline B.

    ReplyDelete
  12. pasko nahhh^_^mapapakain na naman nang maraming ganito^_^

    -Mj

    ReplyDelete
  13. Napapanahon yan lalo na ngayong malapit na ang kapaskuhan! :)
    -Erika S.

    ReplyDelete