Friday, November 26, 2010

SPICY CRRRUNCHY TUNA MAKI ♪♫♪♫

an image from Kitaro Sushi Philippines: http://www.kitaro-sushi.com.ph/cmaki.html

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal kumakain ng mga pagkaing Japanese, basta ang alam ko ay simula noong matikman ko itong putaheng ito ay naging paborito ko na at aking paulit-ulit na inoorder. Ang Spicy Crunchy Tuna Maki ng Kitaro Sushi.

Tuwing kakain kami sa labas ng aking mga magulang at kapatid pagkatapos magsimba, tatanungin nila ako kung ano ang gusto kong kainin at sasabihin ko agad, "Gusto ko po ng Maki." Kahit araw-arawin ko pa ang pagkain nito, hinding-hindi pa rin ako magsasawa.

Ano nga ba ang mayroon sa pagkaing ito? Ang Spicy Crunchy Tuna Maki ay ginagawa sa paraan na tulad ng sa ibang maki (o rolls sa Ingles), ngunit ang kaibahan lamang ay ang mga sangkap na ginamit. Ang maki na ito ay binalutan ng nori o seaweed at sa loob naman ay may sushi rice, tuna at maanghang na mayonnaise. Sa ibabaw naman ay may crunchy toppings at iba pang pampalasa.


Gusto ko ang lasa at texture nito kapag kinagat. May kakaibang lasa ang nori na nagpapasarap sa maki. At ang kanin ay medyo malagkit at parang didikit pa sa iyong ngipin. Ang tuna naman ay malambot at kulay pink dahil ang karaniwang inilalagay ay hilaw. Ang mayonnaise ay may kaunting asim at anghang na naghalo at nagbigay linamnam. Ang crunchy toppings ay isang unique na pampasarap na kapag iyong kinagat ay talaga namang crrrunchy na para bang may fireworks sa iyong bibig, at maririnig mo ang lutong ng bawat kagat. At ang nagpapadagdag ng sarap at linamnam sa pagkaing ito ay kapag sinawsaw mo sa Kikkoman Soy Sauce na may kalamansi. Hindi na ito kailangang lagyan ng wasabi dahil may sarili na itong anghang.

Napakasarap talaga nito para sa aking panlasa kaya inirerekomenda kong subukan niyo ito para matikman niyo ang sinasabi ko. Kahit kaunti lamang ang ingredients at simple lamang, ang lasa naman nito ay sobrang sarap. Oishi (delicious!) talaga ito. >:)

~Nicole Angela T. Nicolas

13 comments:

  1. nix!..alam mo bang may ibang meaning ang "maki" sa chinese...haha..food dn!..next time dalhan mo ko nyan ah...:D

    ReplyDelete
  2. Gusto ko makatikim nito! :) -Den

    ReplyDelete
  3. Super yummy nito! Nasubukan ko na. Masarap talaga! :) -Romina

    ReplyDelete
  4. hindi ako kumakaen ng kahit anong form ng sushi pero mukha itong masarap...

    ReplyDelete
  5. Gusto ko rin ng maki! Sobrang sarap niyan :)) - Margie

    ReplyDelete
  6. Sarap lalo pag madaming wasabi! -Gabs

    ReplyDelete
  7. gusto ko rin tikman~!!! pahingi ako ng 'maki' :)) :P

    --mccann

    ReplyDelete
  8. baka naman masunog na bibig ko pag kinain ko yan! haha!

    ReplyDelete
  9. di ko pa natitikman yan! pero mukang masarap
    -micolo

    ReplyDelete
  10. Di ako kumakain ng Japanese foods pero mukhang masarap nga ito! Bigyan mo naman ako Nix! :)) -Angeline B.

    ReplyDelete
  11. Gusto ko itong matikman kahit di talaga ako mahilig sa maki. :)

    ReplyDelete
  12. I love japanese food! sarap nix! :)

    -carlo

    ReplyDelete