Friday, November 26, 2010

Mrs. Fields!


Nakatikim na ako ng napakaraming mga chocolate chip cookies na gawa ng ibat-ibang  kompanya ng kani-kanilang bersyon nito ngunit may isang pangalan na umaangat sa lahat dahil sa sarap ng kanilang mga produkto. Ang Mrs. Fields ay ipinatatag ni Debbi Fields na nagsimula sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang homemade-style cookies noong 1977 sa California at mabilis na lumago at naging popular.  Pasko ng 2006  nang una kong natikman ang napakasarap na mga cookies ng Mrs. Fields. May nag regalo ng isang maliit na kahon na may iba’t ibang klase ng cookies sa aking tita at sa ganoong paraan ko unang nakilala ang napakasarap na cookies ng Mrs. Fields. At simula sa araw na iyon ay napamahal na ako sa Mrs. Fields.

Kilala ang Mrs. Fields sa pagkakaroon ng ubod na sarap na chocolate chip cookies. Makakamit lamang ang ganoong papuri sa wastong sangkap, sukat ng mga ito at tamang pagluto. Ang iba’t ibang sangkap sa paggawa ng milk chocolate chip cookies na katulad sa Mrs. Fields ay mantikilya, asukal, vanilla extract, mga itlog, flour, konting asin, baking powder, baking soda at ang chocolate chips. Ang tsokolate ay nagsisilbing antioxidants. Ang antioxidants ay nakakatulong sa pagtanggal ng mga hindi kanais-nais sa loob ng katawan natin. Ang isang pirasong cookie ay may 4% dietary powder, 4% vitamin A na maganda para sa ating mga mata, 2% calcium na nakakatulong patibayin ang mga buto at 6% iron na mabisa sa pagtaas ng enerhiya at panlaban sa cancer . Ang masusing paraan at wastong pagluluto sa mga cookies ang sekreto upang makamit ang perpektong produkto. Ito and dahilan kung bakit pinagkakaguluhan at pinipilahan ang cookies na ito. Ang sobrang pagkain nito ay nagdudulot ng pagtaas ng iyong timbang.

Ang Mrs. Fields ay nagkamit ng prestihiyusong pangalan sa pagkakaroon ng malalambot at malinamnam na cookies. Sa saglit na dumikit sa iyong panlasa ito ay masisiguradong tuloy tuloy ang kaligayahan hanggat sa matapos ka sa huling kagat at maubos ito. Ang chocolate chip cookies ng Mrs. Fields ay may tamis na hindi nagdudulot ng pagkaumay. Dahil sa hindi matigas ang cookies nila, siguradong madudurog ito agad sa iyong bibig. Mapapatunayan mo na magandang klase ang mga sangkap na ginamit dahil sa sarap nito. Dito pumapasok ang tinatawag nating Customer Satisfaction. Alam mong hindi ka magsisisi dahil ang pera mo ay napunta sa isang bagay na swak na swak sa presyo at sarap. 


by Den Gallardo 

16 comments:

  1. Hala. Bigla akong nag-crave dito ah. Saraaaaap!

    ReplyDelete
  2. wow..nice den..halatang adik ka sa Mrs. Fields! ;)-heizel

    ReplyDelete
  3. Mmmm, super yummy talaga ng Mrs. Fields! :bd Crave.

    ReplyDelete
  4. Den! Gusto ko rin toooooo. Sobraaaa. Ibang-iba sa mga chocochip cookies na natikman ko :)) - Margie

    ReplyDelete
  5. di pa ako nakakatikim niyan...sayang..pero mukha namng masarap

    ReplyDelete
  6. gusto ko rin matikman! magdala ka naman minsan den :3 :)) :P

    -mccann

    ReplyDelete
  7. Nakakatakam naman, Den. Ito ang pinakamasarap na cookies na natikman ko. :)

    ReplyDelete
  8. tamang tama den! kahit eto nalang gift mo sakin! haha
    -micolo

    ReplyDelete
  9. COOKIES!! bestfriend ni Cookie Monster! :) -marvin

    ReplyDelete
  10. Mas masarap pa ata sa ginawa niyong cookies, Den. ;-bd

    ReplyDelete
  11. Wow Den! Yummmm! :-bd -Angeline B.

    ReplyDelete
  12. Kaya pala ang bilis mo mawala sa UST after class. Dito ka siguro naglalagi. :))
    -aljohn

    ReplyDelete
  13. Favorite ko ung cookies ng Keebler, pero dahil dito, parang mas gusto ko na ang Mrs. Fields!! :)) Penge naman den! :>

    -carlo

    ReplyDelete