Friday, November 26, 2010

Adobong di Malilimutan


Ang adobo ay isang pangkaraniwan nang lutuin sa pamilyang pilipino. Masasabi nga nating halos lahat na yata ay may kanya-kanyang bersyon at kaalaman sa paggawa ng putaheng ito. Isa pa, ang adobo ay nakasanayan na ring ihain bilang lutong bahay sa loob ng mahabang panahon, at ito ay talagang bahagi na ng kultura at tradisyon nating mga pinoy. Nabanggit ko na rin lamang ang maraming bersyon ng pagluluto ng adobo, nais ko na ring ibahagi na isa ito sa espesyalidad ng nanay ko at isa rin sa aking mga paborito.

Ang mga sangkap ng adobo ay binubuo ng manok, o maaari din namang baboy. Kasama rin ang toyo, mga pampalasa gaya ng bawang at sibuyas at panghuli, kaunting pineapple juice na siyang nagbibigay ng tamis at sarap. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang mga sangkap na ito ay nakapag-bibigay ng sustansya sa ating katawan; tulad na lamang ng pineaaple juice na sagana sa bitamina at ng toyo na mayaman sa soy beans.

Sa tuwing natitikman ko ang adobong ito ng aking nanay, tila ba nawawala ang pagod ko mula sa mahabang araw, at napapalitan ng saya. Para sa akin, mabisa itong pang-alis ng stress. ipagluto lang kasi ako at makakain ng aking paborito, masaya na ako. Bawat langhap at higop ng mainit at manamis-namis nitong sabaw ay tunay na malinamnam at nakakabusog.

- Ma. Alyana Loraine Duro

10 comments: