Saturday, November 27, 2010

Tamis sa Pait. :)

Tsokolate. Ano ang pumapasok sa isip mo kapag naririning mo ang salitang ito? Maaaring ang unang pumasok sa iyong isip ay ang isang ubod ng tamis na pagkain na nakakapagpasakit ng iyong ngipin sa tuwing ikaw ay kumakain ng sobra-sobra nito. Maaari rin namang ang unang mong maiisip ay ang pagkaing nagdudulot ng uhaw sa iyo dahil na nga sa tamis nito. 

Sasabihin ko sa iyo ngayon kmung ano ba ang aking naiisip sa tuwing naririnig ko ang salitang tsokolate. Naiisip ko ang natatanging pagkain na hindi ko matanggihan sa tuwing nakikita ko ito o kung may nag-aalok man sakin. Naiisip ko rin ang pagkaing nakakapagpaligaya sa akin at nagbibigay ng kakaibang sigla sa aking katawan. Mahal ko ang tsokolate lalo na kung ito ay iyong dark chocolate
http://candyaddict.com/blog/tag/dove/page/2/

Ang dark chocolate ay ang aking pinakapaboritong pagkain sa lahat. Gustung-gusto ko ang lasa ng nagtatalong pait at  tamis na nagbibigay ng kakaibang karanasan sa aking bawat pagkain nito. Gustung-gusto ko din ang matapang nitong lasa na di mapapantayan ng kahit anong lasa para sa akin.

Di lamang masarap ang dark chocolate. Ito ay may mga benepisyong nabibigay sa ating kalusugan. Gawa it sa mga halaman na naghuhudyat na may mga benepisyo ito sa kalusugan gay ng mga bearding gulay. Ang mga benepisyong ito ay mula sa flavanoids na kumikilos billing antioxidant. Pinoprotektahan into nag katakana mula sa pagtanda na sanhi ng free radicals  na maaaring magdulot ng sakit na marring mauwi sa sakit sa puso. Ang dark chocolate ay naglalaman ng malaking billing ng antioxidant na walong lit nag lake kaysa sa press. Ang flavanoid ay nakakatulong din sa pagrelax ng blood pressure  sa pamamagitan ng paggawa ng nitric oxide  at binabalanse rin into nag ilang hormone  sa ating katawan. 

Kaya sa susunod na makakakita ka ng dark chocolate, bago mo isipin na sasakit lamang ang iyong pagkain nito ay alamin mong may magandang maidudulot ito sa iyong kalusugan. :)



Maraming salamat :):
http://longevity.about.com/od/lifelongnutrition/p/chocolate.htm

15 comments:

  1. Ako rin a :))) Dark chocolate -Ayi

    ReplyDelete
  2. dark choco. dark choco.:)))))
    -Alex

    ReplyDelete
  3. Dark chocolate lang kinakain ko! sarap eh
    -micolo

    ReplyDelete
  4. you actually persuaded me into trying to eat dark chocolate. :> hihi!

    -sam umipig

    ReplyDelete
  5. matabang ang dark chocolate ngunit masarap!

    -jmoc

    ReplyDelete
  6. talagang masarap ng dark chocolate favorite ko din yan:) sabi ko na eh..haha kaya pala ayaw mo ko bigyan ng chocolates mo:)

    - erica dellosa

    ReplyDelete
  7. wow chocolates gusto ko din niyan!! :)))))

    - Justin babina :)

    ReplyDelete
  8. Nomnom, favorite ko din ang dark chocolates! :"> -Mina

    ReplyDelete
  9. Healthy nga ang dark chocolates! :-bd - Angeline B.

    ReplyDelete
  10. Pano kaya kung ito yung ginamit natin sa brownies? HAHA! Sarap :D

    ReplyDelete
  11. nice..isa din yan sa mga paborito ko^_^

    -Mj

    ReplyDelete
  12. I love chocolates too, friend! pero hindi masyado ung dark :)) pero dahil sa blog mo, ittry ko :))

    -carlo

    ReplyDelete
  13. Yuck dark chocolate!! HAHAHA JOKE =))))) Masarap yan lalo na yung lindt!

    ReplyDelete
  14. Wow! Just knew that a type of chocolate is actually beneficial to one's health. Nice ;)

    ReplyDelete