Madami na akong natikmang Leche Flan ngunit ang pinakaspesyal para sa akin ay ang gawa namin ng Mama ko. Simula noong bata ako ay spesyal na sa akin ito dahil sa napakasarap at nakahuhumaling nitong lasa. Noong lumaki na ako at natutunan ko na ang paggawa nito, nagtutulungan na kaming dalawa sa paggawa ng Leche Flan. Mapa-Pasko, Bagong Taon, Fiesta, Kaarawan at mahahalagang mga okasyon ay nandyan ang spesyal naming Leche Flan.
Noong bata ako, kapag ako ay nakikiusisa sa Mama ko at nakikialam sa ginagawa niya ay nagkakanda-dumi ang lamesa. Ngunit noong naintindihan ko na at nasanay na ako nalaman kong simple lamang pala ang paggawa nito. Ang mga sangkap nito ay simple lang din, hindi gaanong mahal at abot-kaya. Ang mga sangkap na palagi naming ginagamit ay ang itlog, condensed at evaporated milk, asukal, at kalamansi (kung walang vanilla extract/lemon essence). Kahit na isa lamang itong panghimagas, ang mga sangkap nito ay nagbibigay din ng sustansya sa katawan katulad ng protina na nanggagaling sa itlog at kalsyum na nanggagaling sa gatas. Mas maganda kung hindi gaanong katamis, yung sakto lang. Mas maganda rin kung hindi malabsak, hindi matigas ngunit hindi rin malambot, yung tamang-tama lang. Kung magluluto ka rin nito ay siguraduhin mong masaya ka at malayo sa sama ng loob dahil makaaapekto ito sa kalalabasan ng niluluto mo. Dapat ay gusto mo ang ginagawa mo.
Natutuwa ako dahil sa tuwing maghahanda kami ng Leche Flan ni Mama ay nagkakaroon din kami ng oras para sa isa't-isa. Kapag nagtutulungan kaming dalawa, mas lalong nagiging maganda ang kinalalabasan. Sa oras na ihahain na namin ito, kaunti lang ang nakakain namin. Alam ninyo kung bakit? Dahil halos lahat ng lyanera ng Leche Flan na ginagawa namin ay pinapakain namin sa mga bisita o ipinapamigay. Mas masarap sa pakiramdam na nakikita mo ang mga kumakain na masaya at nasasarapan sa luto mo. Mararamdaman mong sulit ang hirap at pagod mo sa paggawa.
♥ Angeline F. Brillantes
wow..isa din ito sa mga paborito kong panghimagas.
ReplyDeleteRegaluhan mo nga ako sa pasko nito.:)))--bongon
Mukhang masarap nga ito ahh. :)
ReplyDeletenice nice
ReplyDeleteNakakatuwang may bonding time pa kayo ng nanay mo.:D Pahingi naman! Haha -Den
ReplyDeleteang shiny nung caramelized sugar O_O
ReplyDeleteyummy! :)
-Nix
yummy~!!! <3
ReplyDelete-mccann
pilipinong pilipino!
ReplyDelete-jmoc
gusto ko rin nyan! nakakagutom
ReplyDelete-micolo
Leche flan for desert :) -marvin
ReplyDeletemasasabi kong tunay ngang napakasarap nito dahil isa na ko sa mga nakatikim ng kanilang leche flan. mapabirthday, mapa-pyesta, hinding hindi mawawala sa kanilang hapag ang panghimagas na ito. iniintay ko ang araw na muli kong matikman ang leche flang ito. :)
ReplyDelete-george
Sana gumawa rin tayo nyan sa Baking! Hahaha. Pahingi sa Pasko ah. ;) Bigyan kita ng tiramisu ko. :))
ReplyDeleteTunay ngang napakasarap kumain ng Leche Flan. Ito ay nagsisilbing isang instrumento sa paglimot sa mga mapapait na problema ng buhay. Ito ay nagbibigay sa atin ng isang napakatamis na kasiyahan - nabubusog tayo sa panghimagas na ito, natutuwa at gusto pang kumain ng mas marami. Leche Flan - the best. - JMDB
ReplyDeleteone of the best desserts..love it! :))
ReplyDeleteIka-12 ng Nobyembre. Iyan ang petsa kung kailan una kong nasilayan at natikman ang Leche Flan ni Gege at ng kanyang ina. Totoong TAMANG-TAMA lamang ang pagkatamis nito, pati na rin ang "texture" nito. NAPAKASARAP! :) Nakakahiya mang aminin ay ako ata ang nakaubos nito kasama ng aking mga kaklase. Ang sarap naman talaga! Kaya nama'y sabi nga namin ay bibisita kami sa kanilang tahanan sa Pasko, Bagong Taon.....(etc) para dayuhin ang kanilang Leche Flan! Ngayon pa nga lang ay hinahanap-hanap ko na ang sarap nitong Leche Flan! :) See you sa pasko Leche Flan! ;)
ReplyDeleteFavorite dessert ko to, Gege. Yum! :D
ReplyDelete-aljohn
OMG. Leche flan O_O tulo laway~ haha. Nice nice. My favorite. YUM :D
ReplyDelete-abby
Marami na akong natikmang Leche Flan, at masasabi kong ang gawa ni Gege at ng kanyang ina ang isa sa mga pinakamasarap na natikman kong Leche Flan sa buong buhay ko. LECHE!
ReplyDeleteFLAN. :D
wow!!! paborito ko rin ito! :> sarap! sarap! :>
ReplyDelete-carlo
Pahingi!
ReplyDelete-Pogii