Friday, November 26, 2010

Sinigang...yum!yum!yum!:)


Lahat ng tao ay may iba’t ibang panlasa. Dahil sa mga iba’t ibang panlasa na ito kaya naman iba’t iba din ang mga paboritong pagkain ng mga tao. Ngunit alam ba natin ang lahat ng tungkol sa ating paboritong putahe? Alam ba natin kung anu-ano ang mga naidudulot nito sa ating kalusugan?
            Isa sa aking paboritong putahe ay ang Sinigang. Maraming klase ng Sinigang, ngunit ang pinaka paborito kong luto nito ay Sinigang na Baboy. Paborito ko ito dahil mahilig ako sa mga maaasim na pagkain at mainit na sabaw. At napaka sarap kainin nito lalo na kapag tag-ulan dahil malamig ang panahon.Gustong gusto ko ito lalo na kapag sobrang asim at siasabayan pa ng lasa ng anghang. Para sa akin, kapag ako ay nakakakain ng sinigang, sobra itong nakakarelax at masarap s pakiramdam ng tiyan! Ang mga sangkap ng lutuing ito ay isa din sa dahilan kaya ito ay masarap. Ang sampaloc ay ang nagbibigay ng maasim na lasa sa pagkaing ito. Samahan mo pa ng iba’t ibang gulay tulad ng sitaw,kangkong,labanos at iba pa. Minsan sinasamahan din ito ng kamatis at gabi. Mayroon din naming may isinasama pang sili para sa dagdag na lasa ng anghang. At siyemepre hindi mawawala sa sangkap ang baboy. At sa pagkaing ito makakakuha tayo ng Vitamin A, B1, B3, B6, calcium,iron,magnesium at mataas din ito sa protein. Kahit na macholesterol ito, alam naman natin na kahit papano may naibabahagi itong mga bitamina na nakakabuti din naman sa ating katawan. Ang vitamin A ay nakakatulong sa ating paningin lalo na pagdating sa shades of light. Ang vitamin B1 naman ay nagcoconvert ng blood sugar upang ito ay maging energy. Ang vitamin B3 ay nakakatulong upang mas maging maayos ang pag-function n gating digestive system. Ang vitamin B6 naman ay nakakatulong sa maayos na pag-function n gating utak.
Ngayon alam na natin na hindi naman lahat ng pagkain ay puro lamang preservatives at iba pang sangkap na hindi nakakabuti sa ating kalusugan. Mayroon din naman silang kontribyusyon sa kalusugan. Kaya naman dapat inaalam natin ng mabuti an gating kinakaen upang mas maintindihan at mas malaman pa natin ang nagagawa nila sa ating kalusugan.

11 comments:

  1. Totoong nakakarelax pag kumakain ng masarap na sinigang. ;) -Den

    ReplyDelete
  2. nako super sarap niyan lalo na kapag hinihigop mo ang mainet na sabaw habang umuulan ng malakas sa labas.:)))))---bongon

    ReplyDelete
  3. Syaks! favorite ko din yung sinigang! :)

    -Nix

    ReplyDelete
  4. di ako kumakain ng sinigang pero mukhang naenganyo ako hahaha...matry nga:) karla 2:)

    ReplyDelete
  5. gusto ko rin ng sinigang, gusto ko rin yung medyo maanghang~ :))

    -mccann

    ReplyDelete
  6. Favorite ko din ang Sinigang! -Angeline B.

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete