Tuesday, November 30, 2010

Italian Spaghetti, nagiisa sa panlasa ko

       Marami na akong iba't ibang pagkain o putahing natikman at nakahiligan ngunit ang Spaghetti ang talaga namang nakahuli sa aking panlasa. Ang Spaghetti ay isang putahing banyaga at may iba't ibang paraan ng pagluluto nito, mapa Filipino style man o American Style.Sa lahat ng maaring pagpilian sa iba't ibang uri ng Spaghetti, ang Italian Spaghetti ang aking pinakapaborito.

       Marami sa ating mga Pilipino ay nahihilig sa Italian Spaghetti dahil sa kakaiba nitong lasa. Naiiba ito sa Filipino Style na spaghetti na may manamis-namis na lasa. Ang mga Italian Spaghetti ay may kakaibang asim na nanggaling sa mga sangkap na inihahalo sa sauce nito.

INGREDIENTS
  • 1/2 pound Italian sausage
  • 4 (6.5 ounce) cans tomato sauce
  • 1 (14.5 ounce) can diced tomatoes
  • 2 bay leaves
  • 1 teaspoon Italian seasoning
  • 1/2 teaspoon garlic powder
  • 1 teaspoon dried basil
  • 1 teaspoon dried oregano
  • salt and pepper to taste
  • 1 (8 ounce) package spaghetti

by:Jr Rellama

Sunday, November 28, 2010

Ilocano's Best-Pinakbet w/ Bagnet




     Isa sa mga kinahihiligan kong putahe ay ang ipinagmamalaki nang mga Ilokano.Pinakbet o pakbet ay isang popular na  putahe di lamang sa Norte kundi maging sa buong bansa. Iba't ibang klase nang luto na  ang naglabasan ngunit ang bersyon pa rin ng Ilocos ang aking kinahiligan. Ito ay dahil na rin sa napakasustansyang mga sangkap nito. na kinabibilanagan nang talong,kamatis,sitaw,okra,ampalaya at marami pang iba't ibang klase nang gulay.Minsan ko nga itong tinawag na "katas nang bahay kubo" dahil ang mga gulay na sangkap nito ay matatagpuan sa kantang  Bahay Kubo.. 
Ingredients:
1/2 cup squash, cubed
5 pcs string beans, cut 3 inches long
5 pcs okra, sliced lengthwise
4 small whole baby ampalaya, only ends are cut off
1/4 cup patani (optional)
6 pcs eggplant, halved
3 pcs tomatoes, quartered
1 tbsp. ginger strips
3 cloves garlic, crushed
2 pcs onions, quartered
1 tbsp. fish bagoong or shrimp paste
1/4 kilo bagnet or pork belly, fried until crispy ( for vegan, replace with fried gluten )
1 cup water


~Mj Gesulgon~





Pizzarific! =P~

Ang pagkain na aking napili ay hindi pangkaraniwang pagkain. Ito ay ginagamit dati para sa pagtsek ng temperatura ng lumang oven. Ginawa nila itong pagkain na pangmahirap kung saan gumagamit sila ng white sauce at ibinebenta lamang sa kalye. Ngunit ng ito ay madiskubre ng mga Amerikano ay pinalitan nila ang sauce nito ng mantika, kamatis, at keso upang lalong mapasarap ang lasa nito. Alam niyo na ba kung ano ang pakaing ito? Kung ang inyong iniisip ay pizza, tumpak ang iyong sagot. 

Ang pagkaing ito ay may iba't-ibang style ng pagluto gaya ng Chicago style, Greek style, at ang aking paborito, ang New York style. Sa iba't-ibang style na ito, lalo nilang napapalabas ang tunay na sarap ng pizza. Kung mayroon itong iba't ibang style ay mayroon din itong iba't-ibang luto. Maaari itong pang vegetarian, all-meat na para sa mga kalalakihang minamahal ng lubos ang kanilang karne, at ang salad-lover na para sa mga taong nagdidyeta. Ang pizza ay binubo ng dough, mantika, kamatis, keso, at iba't-ibang sangkap na nasasangayon sa iyong panlasa. Pwedeng lagyan ng bacon, bell pepper, onions, pork, at kung ano man ang iyong magustuhan.

Para sa akin, itinuturin ko itong halo-halo dahil ito ay ang pagsasama-sama ng mga sangkap na nagmula sa magkakaibang ibayo ng ating mumunting mundo. Kung sa inyong palagay ay hindi kayo sumasangayon sa akin, bakit hindi niyo na lang tikman ang sarap at lasa ng pizza?

Prep Time: 10 minutes

Cook Time: 15 minutes

Total Time: 25 minutes

Ingredients:

  • DOUGH
  • ---
  • 1 package active dry yeast (about 2 teaspoons)
  • 1 cup warm water
  • 1 teaspoon sugar
  • 2 tablespoons olive oil
  • 2 1/2 cups all-purpose flour
  • pinch salt
  • Topping:
  • 1 can (8 ounces) tomato sauce
  • browned ground beef or Italian sausage, broken up
  • 1 can sliced mushrooms, drained
  • thinly sliced green pepper and onions, optional
  • 1/2 cup grated Parmesan cheese
  • 1 to 2 cups shredded Mozzarella cheese

Preparation:

Ilagay ang yeast sa tubig at haluin ng mabuti. Magdagdag ng asukal, manitka, flour, at asin. Ilagay sa mixing bowl kasama ang dough sa mainit na tubog sa loob ng 5 minuto. Ilagay ang dough sa isang greased pizza pan o cookie sheet. Lagyan ng toppinds ang dough. Ibake sa 400 degrees fahrenheit sa loob ng 15 hanggang 20 minuto.

Gawa ni:
Chavez, Manuel Jr. P.

Super Duper Ultra Mega Hyper PIZZA!








Ang paborito kong pagkain ay PIZZA at wala ng iba. Kahit ito ay hindi orihinal na nagmula o naimbento dito sa Pilipinas, ito ay talaga namang napakasarap. Makita mo pa lamang ang tunaw na keso sa ibabaw ng mainit na dough na hinaluan pa ng bacon, tomato sauce, bellpepper, sausage, onion at iba pang masarap at katakam-takam na panangkap ng pagkain na ito ay talaga namang kakalam ang iyong tiyan at mapipilitang bumili nito sa pinakamalapit na bilihan ng pizza.
Dumami nang dumami ang sangkap ng pizza. Ang tanging makukuha mo lang na nutrisyon dito ay ang napakadaming carbohydrate na kung saan pwede itong iconvert ng ating katawan para maging enerhiya. Kahit walang masyadong nutrisyon ang pizza, hindi ko pa rin maiwasan kumain nito sapagkat napaka-irresistable nito para sakin. Ang lasa nito ay sobrang hindi maipaliwanag. Ang tanging masasabi ko lang ay kapag naamoy mo na ang napakabangong aroma nito, dumampi na sa iyong mga labi ang malinamnam na dough at dumikit na sa iyong dila ang napakasarap na keso ay mararanasan mo na ang pakiramdam ng parang nasa langit.


Ang Pizza o pitcha kung tawagan ng ilang pilipino dito sa bansa ay nagmula pa sa gitnang silangan. Dati ay hindi masiyadong pinapansin ang pizza at hindi itunuturing na kitchen cuisine ng mga chef kung kaya't ibinebenta na lamang ito sa mga kalye. Noong taong 1843, ipinaliwanag ni Alexandre Dumas ang pizza toppings at unti-unti itong nadevelop sa paglipas ng panahon. 




Maraming pwedeng gawing toppings sa pizza. Kahit hindi ka isang magaling na chef, maaari kang makagawa ng isang masarap na pizza basta mapaghahalo mo ng maayos ang mga lasa ng mga toppings na iyong ilalagay. Basically, madali lang gumawa ng pizza basta't hindi mawawala sa iyong ingredients ang dough na kung saan mo ilalagay ang mga toppings at tomato ketchup at keso. Itong tatlo ang mga pangunahing sangkap sa paggawa na pizza.


Ang Pizza ay isa sa mga pinakacommon na paboritong pagkain ng mga tao dahil sa taglay nitong natatanging sarap at lasa. Nagutom tuloy ako habang ginagawa ko itong blog. Sana ay nag-enjoy kayo sa pagbasa sa aking blog at nakapagbahagi ako ng aking kaalaman. Muli, maraming salamat sa pagbasa.

--- Arny Fernandez

alis-diabetes

Nung bata pa ako, itong pagkain na ito ay aking sinusuka lamang at pinapakain sa aso upang hindi ako makakain nito. Pero nung pagdating ko sa edad na 13, nung malaman ko na delikado pala ang diabetes, kinain ko na ito at pinagtiyagaan upang hindi ako mgkaroon ng diabetes. Ito ang ampalaya ng lola ko. Kapag kinain mo to sigurado tanggal diabetes mo. Ang tawag ko dito ay “ALIS-DIABETES” kasi ito ang madalas kinakain ng mga may mga diabetes.

 Isa ito sa mga pinakapaborito kong pagkain dahil ito ay masustansya at upang hindi ako matulad sa lola ko. Kaya kung ako sainiu, kumain na kayo nito para kayo ay hindi mgkaroon ng diabetes at manatiling malakas. Pero ito lang ang masasabi ko sainiu, itong ampalaya ay hindi nakakapagpatalino dahil sabi ng magulang ko na tatalino ka daw kapag kumain ka nito, ito ay pampalakas lng.

Ingredients:
1.       Ampalaya
2.       2 pirasong Bawang
3.       2 pirasongKamatis
4.       3 Itlog
5.       1 Sibuyas
6.       1 Seasoning granules(kahit ano)
7.       Durog na Paminta
      
       Joseph James Danielle D. Matanguihan

      



WoW Sisig!!!

Sisig! ang isa sa pinaka malupit na pulutan ngayon sa mga bars restaurant pati sa mga kalinderya ay patok na patok itong ulamin at madami ang nagsasabi na masa ang masyadong pagkain ng sisig pero marami din naman ang nagsasabi na kahit masama masarap naman.

Mas lalong kinahihiligan ang sisig pag hinahain itong umuusok pa at nakalagay sa sizling plate at mas sumasarap ito pag naglulutangan ang mga balat nito pati nadin pag nilalagyan ng itlog at kalamansi.


Sisig Ingredients:

  • 1-1/2 lbs pork cheeks (or 2 lbs deboned pork hocks)
  • 1/2 lb beef or pork tongue
  • 1/2 lb beef or pork heart
  • 1/2 lb liver (pork, beef or chicken)
  • 2 cups water (for boiling)
  • 1 cup pineapple juice (for boiling)
  • 1 tsp whole black peppers (for boiling)
Marinade seasonings:


  • 1 cup chopped onions
  • 3-4 finger hot peppers (siling labuyo) (seeded and chopped)
  • 1/4 cup vinegar
  • 1/4 cup calamansi juice (lemon juice)
  • 1/4 cup pineapple juice
  • 1 tbsp minced fresh ginger
  • 1 clove garlic, minced
  • 1 tsp whole black pepper (crushed)
  • 1 pc bay leaf (crushed)
  • Salt to taste                                                                        
  • By: Jasper Leo E. Ramos

Buko Pandan, Crema Espesyal

Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo pa natiing nararamdaman ang simoy ng Pasko.  Bawat Pasko ay tiyak na kaabang-abang para sa akin, hindi lamang dahil sa pagtitipon-tipon naming magpapamilya at sa mga regalong tinatanggap, ngunit dahil na rin sa mga masasarap at mga malinamnam na pagkain.  Lalung-lalo na ang aking paboritong pagkaing buko pandan.  Totoong inaabangan ko ang pagdating ng Pasko sapagkat sa araw lamang na ito ako nakakakain ng aking paboritong pagkain.  Nakakalungkot na minsan lamang ako nakakakain nito.  Ngunit sa mga minsang iyon ng aking pagsubo ay tiyak na kapanapanabik dahil sa bawat subo ay isang subo ng kaligayahan, pagmamahal at pagkalimot ng mapapait na karanasang napapawi ng tamis ng buko pandan.
Sa mga sangkap nitong all purpose cream, condensada, gulaman, sago at buko, nagiging matamis ang pagdiwang ko sa pasko.  Ang bawat taong makakakain nito ay makakakuha ng nutrisyong di mapapantayan ng iba.  Nagbibigay ito ng protein na nakakatulong sa pagkumpuni ng mga nasirang tissue ng ating katawan, carbohydrates at good fat na magbibigay ng karagdagang lakas.  Ang buko pandan ay mabibili sa maraming restaurants at kainan ngunit mas masarap pa rin at walang kapantay ang lasa nito kung ito ay home-made lamang.
Ngayon, maraming iba’t ibang klaseng pagkain na ang nagagawa.  Kahit gaano pa kasarap ang mga ito, wala pa ring tatalo sa buko pandan ko.

By: Gail Omes




Sinigang! Sarap na Hinahanap-Hanap!

SINIGANG, simula pa lang noong ako ay bata pa, ang Sinigang na talaga ang aking hinahanap tuwing kakain. Ang Sinigang ng aking Lola Aida ay unang Sinigang na aking natikman, napakasarap nya magluto ng Sinigang, madaming sahog na nakakabusog. 
Ang Sinigang ang isa sa mga pinakapatok na pagkaing pinoy, patok ito lalo na sa panlasa nating mga Pilipino, bukod sa ito'y masarap, napaka-sustansya pa nito, kaya ko ito naging paborito. masarap kainin lalo na kung mainit. Ang maasim-asim nitong lasa na sigurado ay kikiligin ka!!. Kahit saan ka man lumingon, mapa-carinderia o restaurant at maging sa loob ng bahay ay malalasap mo itong aking paborito. May mga sangkap ito tulad ng karne, sampaloc mix, kangkong, gabi, labanos at siling panigang. siguradong maglalagablab ang asim nito, na manunuot sa iyong katawan.
Madaming klase ang Sinigang, merong Sinigang sa Miso, Sinigang na Bangus at marami pang iba, pero ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang Sinigang na Baboy. napaka-sarap talaga nito! at matatagpuan ito saan mang parte ng Pilipinas.

Ingredients

Ingredients

  • 1 Kilo Pork (cut into chunk cubes)
  • 12 pcs Tamarind (Sampaloc) or sampaloc mixed
  • 1 big Onion (diced)
  • 6 big tomatoes (quartered)
  • 2 pcs Radish (sliced)
  • 1 bundle Sitaw Stringbeans (cut into 2″ long)
  • 1 bundle Kangkong (cut into 2″ long)
  • Salt and Patis to taste
  • 6 cups water

Saturday, November 27, 2010

Wow Wow Wings >:O

     Ang pagkain dito sa Pilipinas ay masasabi kong kakaiba, dahil iba’t ibang dayuhan ang sumakop sa atin, ibat ibang potahe o pagkain ay nabuo o nadiscover dahil tayong mga Pilipino ay mahilig magimbento ng kung ano ano, tulad ng sabi ng isang propesor namin sa literatura ay ang kakaibang panlasa ng mga PInoy ay “”East meets West” at dito ka lang sa Pilipinas makakakain ng Spaghetting matamis.

     Ang potaheng aking napili ay ang “Wow Wow Wings :O” o ang isa sa pinakatanyag na potahe pag ikaw ay kumain sa Fridays, Shakey’s atbp. Ang Buffalo Wings, ito ay naimbento noong 1964 ng mag-asawang sina Frank at Teressa Belissimo sa Buffalo, New York. Ang kwento sa likod ng potaheng ito ay mayroong Bar ang mag-asawang Belissimo, at dumating ang anak nilang si Dominic kasama ang kanyang mga kaibigan at kaklase, sila ay gutom na gutom na, kaya naisip ni Teressa na magluto ng madaliang pagkain upang makakain na ang mga gutom na bisita.

     Ang Wow Wow Wings :O ay kasalukuyang tinatangkilik ng mga kabataan ngayon lalo na ang mga mahihilig sa maanghang, ang iba naman ay ginagawang pulutan.  Ang ingredients nito ay ang pak-pak ng manok, dalawang uri ng hot sauce (itong mga hot sauce na to ang sikreto kung bakit masarap at may kakaibang lasa), Worcestershire sauce, chili oil at butter, piprituhin muna ang manok at pag ito ay luto na, igigisa ang manok sa pinaghalong butter, chili oil, Worcestershire sauce at ang dalawang uri ng hot sauce. Huwag patagalin ang gisa upang hindi lumambot ang balat ng manok, upang ito ay crispy. At syempre pwede na natin itong kainin, masasabi nating love at first bite dahil unang kagat palang ay malalasahan mo na ang anghang at kakaibang lasa nito, dahilan ng iyong pagnga-nga :O at paginom ng tubig upang maaapula ang anghang sa ating bibig.

By : Kenneth Adriel P. Ong

Pancit KO :)




Pancit Batil Patong ay isang potaheng kakaiba sa Tuguegarao, Cagayan. Ito ay dapat mong subukan kapag ikaw ay napasyal sa pinakamainit na siyudad sa Pilipinas.

Nasubukan ko ito sa aming lugar at aking tinanong kung maari ko bang makita kung paano ginagawa ang Pancit. Siguro ang dahilan sa likod ng kasarapan nito ay ang sahog na nailagay sa tuktok nito.

Ang mga karne na ginamit dito ay ground prok, beef o pwede rin ang carabeef. Naglalagay rin sila ng Sauteed vegetables, durog na mga chicharon at Sunny Egg.

Ang nabibigay ng pancit sa atin ay kompletong bitamina mula sa A-Z :) kaya sumubok na at ng malasahan ang Pancit KO..

By: Vin  Angelo Soriano

Pork Adobo


Sino nga ba ang hindi pa nakakatikim sa sarap at sustansiya ng adobo? Halos lahat ng Pilipino ay paborito itong ulamin at alam itong lutuin. Adobo ang aking napiling paboritong ulam dahil bukod sa sarap nito ay simple lamang ito gawin. Wala masyadong sangkap ang kailangan. Hindi ito magastos at hindi rin mahirap lutuin. Walang Pilipino ang hindi nakakakilala sa sarap ng adobo, sa totoo nga lang ay maging mga dayuhan ay nagugustuhan ito.

Ang mga sangkap lamang na kailangan sa pagluto ng adobo ay ang baboy na nakahiwa na ng cubes, suka, toyo, asin, sibuyas, bwang, dahon ng laurel, asukal, mantika, at tubig. Ang unang gagawin sa pagluluto ng adobo ay ilagay sa isang kawali ang baboy, 1/3 suka, 3 tbsp. ng toyo, 1 tbsp. ng asin, kalahati ng isang buong sibuyas na hiniwa na, 1clove ng  bawang, isang dahon ng laurel, ¼ tbsp ng asukal at  ½ cup ng tubig at hayaan lamang ito para mas maging malasa kapag sinimulan na ang susunod na hakbang. Pagkatapos ng 45minutos ay pakuluin ito hanggang sa maging malambot na ang baboy at kapag malambot na ito ay itabi ang sauce. Painitin ang isa pang kawali na may mantika at ilagay ang baboy hangang sa maging “brown” na ito at pagkatapos ay ihalo na ang itinabing sauce at lutuin pa ng ilang minuto at pwede ng ihain.


Hindi ba’t napakadali lang gawin ng adobo? Ito’y masunstasiya pa. Kung pagkain lang ang usapan, siguradong isa ang adobo sa mga unang papasok sa isip ng mga Pilipino. Hindi na kataka-taka kung bakit maraming Pilipino maging mga dayuhan ang nagkakagusto at interesado sa pagluto ng adobo. At sa pagkain nito ay para na rin nating tinangkilik an gating sariling kultura. Tunay ngang kakaiba ang sarap ng adobo.

--Hannah Santos

Coffee Crunch na ka'y sarap! :">


photo courtesy of http://taranakaintayo.blogspot.com/2008_09_01_archive.html
Mahilig ako sa mga cake at sa matatamis na desserts. Nakatikim na ako ng kakaibang Calamansi Cake hanggang sa pinaka-simpleng Chocolate Cake. At lahat iyon ay masasarap, ngunit bakit nga ba ang coffee crunch ng Red Ribbon ang aking napili? 

photo courtesy of http://www.redribbonbakeshop.com.ph/shop/products.asp?product_id=10


Ang Coffee Crunch ay gawa sa cream cake. Mayroon pa itong Honeycomb Crunch sa tuktok at pinaliguan ito ng caramel syrup. Para bang lahat ng gusto ay pinagsama-sama sa iisang cake! Kaya naman noong natikman ko ito ay alam ko na kagad na ito ang cake para sa akin, MATCH MADE IN HEAVEN ika nga.  

                                                                

Sa dinama-dami ng cake na aking natikman, wala parin pumapatay sa level ng aking pagkasabik sa Coffee Crunch ng Red Ribbon. Sadya itong nakaka-tempt sa layers ng cream cake na may kaaya-ayang coffee crunch sa pagitan at pinatungan pa ng napaka-sarap na Honeycomb Crunch. Ito parin ang Number 1 na cake sa puso ko, ang COFFEE CRUNCH NA KA'Y SARAP! :">
                                    
     
Blog post ni: Kim Altonaga :) 

              

pasta-riffic!! :)


Pasta.  Isang pagkain banyaga ngunit sikat sa ating bansa.  Wala yatang okasyon sa ating bansa na hindi kasama ang anu mang uri ng pasta sa mga putaheng ihahanda.  Madalas na ihanda sa mga hapag kainag Pilipino ang “Filipino version” ang spaghetti, kung saan ito ay pinatamis upang magustuhan ng karamihan.  Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit maraming taong tulad ko ang nahihilig sa pasta.

Ang paborito kong uri ng pasta ay yung Fetuccine Alfredo.  Ito ay tulad rin ng karaniwang spaghetti ngunit imbes na pula ay puti ang kulay ng sauce nito.  Ito ay dahil sa gatas at all-purpose cream ang ginamit sa paggawa ng nasabing sauce.  Halintulad rin sa ordinaryong spaghetti na may halong giniling na karne at hotdog, ang pastang ito ay madalas haluan ng tuna, bacon at mushroom na mga paborito ko ring pagkain.  Ayon sa aking naaalala, una akong naka-tikim nito nang subukang magluto nito ang aking tita.  Sa unang pagkain ko pa lamang nito ay nagustuhan ko na agad ito.  Ang amoy pa lamng nito ay nakaka-enganyo na, lalo pa kung hahaluan ng kaunting keso at basil bago kainin.  Di lamang masarap, ang putahe ring ito ay masustansya.  Dahil sa gatas at cream nito ay maaari itong makatulong sa paghahatid ng calcium sa katawan.  Ang mga iba pang sahog nito tulad ng tuna ay isa sa mga pinaka-masustansyang uri ng isda.  Ang uri naman ng pasta na ginamit dito ay di hamak na mas malapad kaysa sa ordiaryong pasta.  Dahil dito, ang putaheng ito ay medaling maka-busog kahit hindi ganoon karami ang kainin mo.  Dahil sa pagkahilig ko sa pastang ito ay isa ito sa mga una kong pinag-aralang lutuin.  Sa aking pagkakatanda ay una ko itong sinubukang lutuin noong ako ay 12 taon pa lamang.  Dahil sa maraming beses ko ng pagluto ng pagkaing ito ay unti-unti kong nahuli ang tamang mga halo upang mapasarap ito.  Dahil din doon ay madalas na itong inihahanda sa aming hapag kainan tuwing may mga okasyaon o di kaya naman ay kapag naisipan lang. 

Napag-uusapan na rin lang din naman ang pasta ay ibabahagi ko na dina ng isa pang uri ng pasta na kamakailang ko lamang natikman ngunit talagang nagustuhan ko ito at madalas kong hinahanap-hanap.  Ito ay ang Pesto Chicken Penne ng Pizza Hut.  Ito naman ay uri ng pastang olive oil at pesto lamang ang halo ng sauce.  Kahit kakaunti ang sahog nito ay talaga naming napaka-malasa nito at tamang tama ang pagkakaluto.  Ang pasta nito ay hindi masyadong malambot ngunit hingi rin naman matigas.  Maging ang manok na sahog nito ay malabot at madaling nguyain.  Dahil sa olive oil at pesto sauce lamang ang halo nito, ito ay talaga namang masustansya.  Samahan pa ng mainit at malutong na garlic bread ay talaga namang ikakasisiya ang pagkain nito.  isa nanaman itong pagkaing nais kong pag-aralang lutuin ng sa gayon ay may bago nanaman akong maidagdag sa aking lisatahan ng mga pagkaing kaya kong gawin.

-Conie Mae Valdez

ANG SOPAS. BOW.


ANG SOPAS. BOW

Paborito ko talaga ang sopas. Bata palang ako ay lagi akong nilulutuan ng sopas ng aking mahal na ina. Dahil alam niya naman na ito ay aking paborito at ito lang ang gusto kong kainin lagi nung bata ako. Siguro sadyang masarap lang ito kaya naging paborito ko. At hanggang ngayon ay paborito ko padin ito at hinahanap hanap ko. Sa mga karinderia dito sa pilipinas ay madalas merong hinahanda na sopas, ngunit di ko masyadong gusto. Iba padin kasi talaga ang luto ng aking ina.



Ang mga sangkap na ginagamit niya sa pag luto ay itong mga sumusunod :
  • 1 tbsp butter
  • 1 tsp minced garlic
  • 2 tbsp minced onion
  • 1/2 cup nahiwang carrots
  • 2 cup nahiwang manok
  • 3 cups cooked
  • 3 cups chicken broth
  • 1 cup of heavy whipping cream or gatas
  • 2 tbsp fish sauce
  • ground black pepper
  • 1 cup of shredded cabbage 
  • At nilalagyan niya ito ng aking paborito na Vienna Sausage.
Sa totoo lang, pag natitikman ko ang Sopas ng aking ina, ang pakiramdam ko ay narerelax ang aking isipan at katawan. At nabubusog ako nang masarap ang aking kinain. Madalas kasi naming itong ulamin tuwing hapunan. Nag sasalo-salo ang buong pamilya pag hapuan kasabay ng masayang tawanan at kwentuhan!

Post ni : Anen Tan