Ang paborito kong pagkain ay PIZZA at wala ng iba. Kahit ito ay hindi orihinal na nagmula o naimbento dito sa Pilipinas, ito ay talaga namang napakasarap. Makita mo pa lamang ang tunaw na keso sa ibabaw ng mainit na dough na hinaluan pa ng bacon, tomato sauce, bellpepper, sausage, onion at iba pang masarap at katakam-takam na panangkap ng pagkain na ito ay talaga namang kakalam ang iyong tiyan at mapipilitang bumili nito sa pinakamalapit na bilihan ng pizza.
Dumami nang dumami ang sangkap ng pizza. Ang tanging makukuha mo lang na nutrisyon dito ay ang napakadaming carbohydrate na kung saan pwede itong iconvert ng ating katawan para maging enerhiya. Kahit walang masyadong nutrisyon ang pizza, hindi ko pa rin maiwasan kumain nito sapagkat napaka-irresistable nito para sakin. Ang lasa nito ay sobrang hindi maipaliwanag. Ang tanging masasabi ko lang ay kapag naamoy mo na ang napakabangong aroma nito, dumampi na sa iyong mga labi ang malinamnam na dough at dumikit na sa iyong dila ang napakasarap na keso ay mararanasan mo na ang pakiramdam ng parang nasa langit.
Ang Pizza o pitcha kung tawagan ng ilang pilipino dito sa bansa ay nagmula pa sa gitnang silangan. Dati ay hindi masiyadong pinapansin ang pizza at hindi itunuturing na kitchen cuisine ng mga chef kung kaya't ibinebenta na lamang ito sa mga kalye. Noong taong 1843, ipinaliwanag ni Alexandre Dumas ang pizza toppings at unti-unti itong nadevelop sa paglipas ng panahon.
Maraming pwedeng gawing toppings sa pizza. Kahit hindi ka isang magaling na chef, maaari kang makagawa ng isang masarap na pizza basta mapaghahalo mo ng maayos ang mga lasa ng mga toppings na iyong ilalagay. Basically, madali lang gumawa ng pizza basta't hindi mawawala sa iyong ingredients ang dough na kung saan mo ilalagay ang mga toppings at tomato ketchup at keso. Itong tatlo ang mga pangunahing sangkap sa paggawa na pizza.
Ang Pizza ay isa sa mga pinakacommon na paboritong pagkain ng mga tao dahil sa taglay nitong natatanging sarap at lasa. Nagutom tuloy ako habang ginagawa ko itong blog. Sana ay nag-enjoy kayo sa pagbasa sa aking blog at nakapagbahagi ako ng aking kaalaman. Muli, maraming salamat sa pagbasa.
--- Arny Fernandez