Friday, November 26, 2010

S&R pizza!


Marami nang restawran ngayon ang nagdadagdag ng pizza sa kani-kanilang menu. Nagsulputan ang maliliit na stall na nagtitinda ng pizza. Ang mga ito ay mas maliliit na kumpnya kaysa sa ibang restwaran ng pizza na talagang matagal ng nagtitinda nito. Ngunit hindi lahat ng pizza na naiitinda sa bawat mall ay may masarap at may kakaibang lasa. Para sa akin ang pinaka masarap na pizza na aking natikman ay ang pizza ng S&R.

Ang pizza ng S&R na combo ay napakasarap sapagkat ito ay may sangkap na black olives, green bell pepper, mozzarella cheese, tomato at meatballs. Kahit na ang mga sangkap na ito ay matatagpuan sa ibang pizza, ito lamang ang pizza ditto sa Pilipinas na parang sa Estados Unidos ang lasa. Pati ang laki ng pizza nila ay parang Cosmo’s pizza sa Amerika. Ang S&R pizza ay matatagpuan sa lahat ng branch ng S&R membership shopping. Ito ay may branch sa Congressioal, Bonifacio Global City, at meron rin sa ParaƱaque. Ang pizza na ito ay masarap kainin sa kahit anong okasyon ngunit mas sumasarap pag kasalo mo ang iyong mga kaibigan o pamilya kapag kumakain nito. Sa sobrang laki ng pizza ay siguradong mabubusog kayong lahat. Ito ay umaabot sa hanggang labing-anim na hiwa.

Ang pizza noon ay maiisama sa grupo ng mga fastfoods na walang naidudulot na maganda sa katawan. Ngunit ang pizza ngayon ay sinasabing isang pagkain na masustansya dahil sa mga sangkap nito. Una na ang sangkap na tomato. Sinasabing cancer-fighter ang sangkap na ito. Sinasabi rin ng mga eksperto na ang processed tomato na ginagamit sa pizza ay may mas Mataas na lycopene na nagdudulot ng magandang epekto sa ating katawan. Ang dough naman ng pizza ay ay sangkap na may mataas na antioxidant. Dahil sa mga masusustansyang naidudulot ng pizza, patuloy pa akong kumakain nito. Kahit ito ay hindi nagmula sa ating sariling bansa, ito ay talagang tinangkilik ng bawat Pilipino.

By: Margie Barretto

14 comments:

  1. Wow! Ang sarap naman niyan! :)

    -Nix

    ReplyDelete
  2. Naglalaway na ko dito ah. Sarap niyan kahit deretso hita. haha! :D -Gabs

    ReplyDelete
  3. THE BEST YUNG SA S&R! Super laki and sulit! Masarap din calzone nila. :D -Den

    ReplyDelete
  4. wow~ di ko pa natitikman yan~! parang masarap nga! :)) :P

    -mccann

    ReplyDelete
  5. pizza with super daming toppings!

    -jmoc

    ReplyDelete
  6. talagang masarap ang pizza sa S&R:))
    -erica dellosa

    ReplyDelete
  7. I agree with Micolo :D Margie, try mo kaya kaming dalhan ng ganito. It would be greatly appreciated, noh guys? :))
    -aljohn

    ReplyDelete
  8. Bili mo naman kami ng S&R pizza! Yummmeeehhh. :bd

    -Mina

    ReplyDelete
  9. isa pa lang mabubusog ka na^_^ panalo!^_^

    -Mj

    ReplyDelete
  10. sarap sabayan ng malamig na Coke! :>

    -carlo

    ReplyDelete