Friday, November 26, 2010

napakasarap na oreo cheesecake !!!!


Bihira sa mga kainan ang may ganitong uri ng pagkain na kasama sa kanilang menu, ito ay ang oreo cheesecake na aking paborito. Ang dessert na ito ay masarap ngunit may pagkamahal lamang ng kaunti. Sa tuwing umaalis kami ay palagi kaming bumibili nang mga ingredients nito at kami na lamang ang gumagawa, sapagkat medyo may pagkamahal nga. Madalas ay nabibili ito sa starbucks.

Ang pagkaing ito ay binubuo nang mga sumusunod na sangkap: ang cream cheese, cream, oreo, confectioner at butter. Pagsasamahin lang ang cream cheese ang cream at confectioner. Matapos nito ay durugin ang oreo at magtunaw ng butter upang magkadikit-dikit ang oreo. Ilagay ito sa lalagyan at ilagay sa refrigirator. Ang dessert na ito ay napakatamis.

Sa tuwing kakain ako ng cheesecake na ito, ako ay nakakaramdam ng saya at kahit papaano ay nkakatanggal ito ng pagod. masarap at nakakaenjoy itong kainin pwede rin itong pampamilya. Masarap itong kainin lalo na pagkatapos ng ating tanghalian o hapunan. Ito ay mabango at malinamnam. uulitin mo sa sarap

-Karla Mae C. Yambot

10 comments: