Friday, November 26, 2010

Vanilla Love

Vanilla Ice Cream


L


abis ang aking pananabik sa tuwing ako ay nakakakita ng vanilla ice cream sapagkat ito ang isa sa aking pinaka-paboritong pagkain. Napamahal ako sa simpleng lasa nito na maari rin samahan ng iba’t ibang ‘toppings’ gaya ng chocolate syrup, sprinkles, nuts at marami pang iba. Isa rin itong klase ng ice cream na hindi nakakasawa.

                Gatas, tubig, asukal, krema, protina, carbohydrates at marami pang iba ang bumubuo sa vanilla ice cream.   Ang mga produkto na gumagamit ng gatas ay nagbibigay sa atin ng sustansya gaya na lamang ng calcium, at mga vitamins at minerals. Ngunit masama rin naman itong kainin araw-araw. Kaya marapat na limitahan ang pagkain ng ice cream.

                Sa tuwing ako ay ‘stressed’ o di kaya ay ‘depressed’ eto ang isa sa mga bagay na nakakapag-pasaya sa akin.  Kaya naman ito talaga ay aking hahanap-hanapin at kapag ako ay nakakain na nito medyo gagaan ang aking loob. Minsan naman binabaon ko sa limot ang aking mga problema habang kumakain ng ice cream. Ito ay nagiging aking ‘stress reliever’ kadalasan.  



Patricia Anne Claire A. McCann
1H5









18 comments:

  1. Hahaha sabi na eh :)
    Libre mo naman ako niyan after class sa Tuesday! Joke!

    Vanilla is ♥

    -Nix

    ReplyDelete
  2. Nagutom ako bigla, ang sarap sarap pa naman ng vanilla, makabili nga :)

    ReplyDelete
  3. vanilla ice cream with chocolate syrup!

    -jmoc

    ReplyDelete
  4. Tunay na masarap ang Vanilla ice cream! Samahan mo ng cookies para cookie sandwich! ;) - Den

    ReplyDelete
  5. Gusto ko din ng icecream. Kaso may sipon ako. Kaia wag na lang.:))

    -Alex

    ReplyDelete
  6. Tanung vanilla ba? milk din? :) -marvin

    ReplyDelete
  7. Wow! Ansarap naman niyan! Nakakatakam! :)

    ReplyDelete
  8. Vanillaaaaa. Ang sarap naman~ Bibili ako bukas. =))))))))))))))))))))

    ReplyDelete
  9. Paborito ko ring pagkain yang vanilla ice cream! Sobrang nkakatakam naman ito :)

    ReplyDelete
  10. Wow. Sarap naman :) Gusto ko tuloy ng ice cream ngayon! -Angeline B.

    ReplyDelete
  11. Para sa akin pinakamasarap na icecream nga ang vanilla dahil marami kang mailalagay na toppings dito :D

    ReplyDelete
  12. ♥ ♥ ♥ :"> :"> :">
    - Kim A.

    ReplyDelete
  13. tunay na masarap nga ang Vanilla Ice Cream! talo ang chocolate! :>

    -carlo

    ReplyDelete
  14. Basta vanilla icecream ang pinaguusapan, walang diet diet =)

    -Niegel

    ReplyDelete