Friday, November 26, 2010

Blueberry Cheesecake: Abo't Kamay Ang Langit

            


           Ako'y nakatikim na ng iba't ibang klase ng cake. Lahat ng iyon ay kakaiba at masasarap nguint isang natatanging cake lang ang kumuha ng aking pansin dahil sa sumasabog na sarap na dala nito. Ito rin ay kakaiba dahil minsan ito ay hindi na kailangang lutuin o i-bake. Sa magandang representasyon pa lang ng cake na ito ay tiyak na makukuha ang inyong pansin at siguradong mapapakagat kayo ng hindi niyo inaasahan. Sa unang kagat pa lamang ay masusundan ito agad ng susunod na kagat at hindi niyo mamamalayan na ubos na pala ang cake. Garantisado din na makakalimutan niyo ang inyong pangalan kapag natikman ninyo ito.


            Ang Blueberry Cheesecake ay ang paborito kong cake sa lahat. Dahil sa lambot at lasa nito, ako ay napa-ibig. Itong cake na ito ay isang dessert na gawa sa malambot at sariwa na keso, biskwit at pinatungan ng blueberry sa ibabaw. Ang Blueberry Cheesecake ay isa lang sa mga iba't ibang klase ng cheesecake. Ang cheesecake ay nagmula pa sa Greece at ay nagsimula nang maging sikat at kumalat sa iba't ibang parte ng mundo. Ang Blueberry Cheesecake ay kilala dahil sa pinaghalong konting tamis at asim na dala ng Blueberry topping nito. Ito ay may pagkamahal at masarap kainin kapag ikaw ay nasa labas at kasama mo ang espesyal na tao sa buhay mo. Pinapangarap ko man makakain nito araw-araw ay mahirap din gawin dahil hindi lang butas ang bulsa mo, tiyak din ang iyong paglapad at pagbigat ng timbang.


           Siguradong nakakatakam ang Blueberry Cheesecake! Nakakapanlaway  na sa unang kita pa lamang nito. Ito ang dessert na malalasahan mo ang sarap ng langit. Kahit na may pagkamahal ito ay okay lang dahil sulit naman ang bawat kagat mo sa Blueberry Cheesecake. Pangarap ko din na matutunan kung paano gumawa nito at pagnatutunan ko na kung pano gumawa ng Blueberry Cheesecake ay isasama ko ito sa aking specialty kung ako man ay makakapagtayo ng sarili kong restawran. Kung ikaw ay hindi pa nakakatikim nito, naku po, ikaw ay nahuhuli na sa lahat. Halina at tikman ang sarapn ng Blueberry Cheesecake!






-Rafael Gabriel T. Jaymalin

16 comments:

  1. SYAKS naman ang sarap niyan Gabs! parang sa Reader's Cafe haha! :)

    -Nix

    ReplyDelete
  2. ayyy parang ito ang kinain natin sa greenhills di ba???masarap nga..

    ReplyDelete
  3. Super sarap talaga ng blueberry cheesecake! - Den

    ReplyDelete
  4. Gabs blueberry cheesecake the best! Sobrang sarap :)))) -Margie

    ReplyDelete
  5. wah~! gusto ko rin niyan :3 libre kita ng cheesecake kapag nagkapera ako :)) :P

    <3

    -mccann

    ReplyDelete
  6. nakakalula ang sarap ng bluberry cheescake, heaven talaga!

    -jmoc

    ReplyDelete
  7. Yow! Nakakapanlaway talaga! -Angeline B.

    ReplyDelete
  8. Yummy, cheesecake! Litrato pa lang, nakakagutom na! :>

    -Mina

    ReplyDelete
  9. Brother, Blueberry cheesecak sa promenade? :))
    - Kim A.

    ReplyDelete