Saturday, November 27, 2010

Frozen Yogurt

Ang frozen yogurt ay ang aking paboritong panghimagas pagkatapos kong kumain. bumibili din ako nito pang snack o kahit kailan ko man maisipan dahil isa itong sorbetes na mas pina healthy. mababa ito sa taba dahil sa paggamit ng gatas sa halip na cream. gawa ito sa milk solids, milk fat, yogurt culture, sweetener, corn syrup, coloring, at flavoring. unti unting naging papular ang Frozen yogurt dahil sa mabuti nitong naiidulot sa ating katawan. dahil dito padami ng padami ang nag fafranchise nito. Saan ka makaka bili nito? maraming Stores at mga restawran na nag aalok narin ng produktong ito tulad ng Red mango, Froyo, Yogreat, Green mango, Yogiberi, Californiaberi at iba pa ilan lng iyan sa mga mapagbibilan ng Frozen yogurt.

ano nga ba ang lasa nito? nung unang panahon ang lasa ng Frozen Yogurt ay maasim ng lumaon ito ay pinatamis. May pagka tart ang lasa nito pwede mo rin itong lagyan ng mga toppings tulad ng mga paborito niyong prutas at syrup. dahil sa mga toppings na inilagay niyo ay mas sumasarap ang lasa nito. kung di mo naman trip na mag lagay ng prutas pwede mo rin itong lagyan ng paborito mong kendi o di kayay mga biskwit. kahit ano paman ang trip niyong ilagay tiyak na kayo'y masasarapan at pauulit-ulitin niyo ang pagkain nito. pano ko ito nasabi? base sa aking sariling ekspiryensa ako ay na adik dito. Sa lasa nito na kakaiba masasabi kong hindi ito mabigat sa panglasa magaan lang at di ka mauumay di tulad ng sorbetes. kapag ikaw ay kumakain nito malalasahan mo ang pagtunaw nito sa iyong bibig habang mangunguya mo ang mga toppings na inilagay mo duon at maghahalo ang lasa ng yogurt at ang mga toppings na mas mapapasarap ang lasa.

16 comments:

  1. isang beses palang ako nakakakain ng yoghurt, LIBRE MO KO!
    -micolo

    ReplyDelete
  2. tama! yummy and healthy yan! :)

    -Nix

    ReplyDelete
  3. froyo with lots of toppings!

    -jmoc

    ReplyDelete
  4. Mmmmm, mag froyo na tayo sa Monday! :)) -Mina

    ReplyDelete
  5. Never ko pa tong natikman. Libre mo ko nito Erica! :D

    ReplyDelete
  6. hmm... di pa ako nakakatikim ng yogurt :)) :P
    tikman ko nga ito minsan :P

    -mccann

    ReplyDelete
  7. wow! masarap at napakahealthy naman nito erica :> penge? :>

    -carlo

    ReplyDelete
  8. Omgggg froyoo! fave ko rin yan erica! :))) healthy pa kesa sa ice cream :D - Margie

    ReplyDelete